Naupo ako sa kabisera at saka kumuha ng pagkain ko. All that training made me hungry, tsaka hindi rin naman ako masiyadong kumain kanina.
"Niloko mo lang yata kami tungkol sa nawawalang tinta." Bungad sa akin ni Stanley. Sumubo ako ng kanin at saka tinignan ang mga papel sa harap nilang tatlo.
Kung hindi pa basa ay sunog ang isang parte nito.
"You must've done it wrong." I told him at sumubong ulit.
"Sabihin mo na lang kasi na hindi talaga ito gumagana." Gatong ni George na mukhang sinukuan na rin ang ginagawa at kumain na lang.
Napairap tuloy ako. Sumubo ako ulit ng pagkain at saka kinuha ang isang blankong papel at ang lemon na nasa baso. Hinablot ko ang pluma ni Clyde at saka nagsulat.
Parang bata naman na sumubaybay si Stanley at George sa ginagawa kong pagsusulat. Pagkatapos magsulat ay ibinalik ko na kay Clyde ang pluma at saka sumubo ulit ng pagkain.
"Aren't you going to do anything?" George asked.
"Let it dry." Tipid kong sagot at saka sumandal sa upuan habang ngumunguya. Nababanas pa rin ako sa Kyle na 'yon.
Nag-usap usap lang sila habang tahimik lang akong nag-iisip.
Hindi pa nagtungo sa palasiyo si Sandra kaya hindi ko alam ang itsura niyon. Hindi ko tuloy alam kung pupunta ba ako bukas sa pa-party ng prinsipe dahil wala naman akong mapapala doon.
Tsaka wala akong maisusuot na damit. Alangan namang ulitin ko yung sinuot ko kagabi eh kasusuot ko lang 'yon. Hindi pa nalalabhan! It's a royal ball and I have to be presentable.
Kaya ayaw kong pumunta!
Pero sumang-ayon kasi ang hari sa pagpunta ko at ayoko namang maging bastos kahit aminado akong bastos ako. Dugong bughaw pa rin naman 'yon 'no!
"Hindi pa ba iyan tapos?" Tanong sa akin ni Stanley na ang tinutukoy ay ang papel na wala ng bakas ng lemon juice.
"Paabot ng kandila."
Iniabot naman sa akin ni George ang kandelabra na nasa mesa, mediyo malayo nga lang kasi sa akin.
Pinadaan ko ang papel sa ibabaw ng apoy para painitin ito. Tumayo pa sina George at Stanley kung may pagbabago bang nagaganap.
At dahil itinutok ko ang init sa isang parte ng papel ay nagsimulang lumitaw ang ilang letra doon.
The two let out a weird sound of amazement as they gazed at the paper na unti unti nang ipinapakita ang mensahe ko.
Noong papalapit na ang huling letra ay napasimangot ang dalawa at noong tuluyang magpakita ang lahat ng letra at sinamaan nila ako ng tingin kaya natawa na lang ako.
"What does it say?" Inigo asked at sumilip din sa papel. Nabura ang ngiti nito at saka umupo na.
"What? I didn't say it was for you." Natatawang sambit ko at saka inilapag sa lamesa ang papel.
Kinuha iyon ni Clyde at napabuntong hininga na lang at nagpatuloy na sa pagkain.
"And who is supposed to have this letter?" Seth asked na tinitignan ang papel.
"Is it Kyle?" Dagdag ni Stanley na sinagot ko lang ng thumbs up dahil may laman ang bunganga ko.
"Why are you so annoyed of that man? Hindi ka naman yata niya isinama sa kaniyang koleksiyon." Inigo asked with a brow raised. He bit on the asparagus and eyed a lady that sent him a smile. My lips twitched with what I saw.
"That." I answered nonchalantly at tumingin naman ito sa akin na may nagtatanong na mukha.
I sliced on the meat and forked it.
BINABASA MO ANG
Switched Worlds
FantasyA person's mind is never really open. We never really know what they're thinking, what's going on with them. Those things that we don't know and they don't wish for us to know, are known as secrets. And if it's secrets, Alexandra can be regarded as...