12

45 4 0
                                    

Para akong batang bumaba sa karwahe noong makarating kami sa siyudad. Parami na nang parami ang tao gayong napaka-aga pa.

Pero karamihan ay nag-aayos pa lang ng mga paninda nila at ang iba naman ay mukhang mga naninilbihan sa mayayamang pamilya na ngayon ay bumibili ng home supplies.

Nasa gitna ako ng siyudad kung saan may fountain at estatwa ng isang babae. Pinalibutan ito ng mga taong nagtitinda o gumagala.

At dahil madalas tumungo si Sandra rito ay alam ko na kung saan ang pupuntahan ko, kung ano ang makikita ko at ano ano pa.

Pero gaya noong una, iba pa rin kapag personal ko na itong nakita.

Standing here, in the middle of this crowd, makes me feel free. It makes me happy.

Tiningala ko ang bughaw na kalangitan at ngumiti. Pumikit ako at itinaas ang mga kamay ko.

I feel alive!

Nagmulat ako ng mata at masayang naglakad paikot sa siyudad.

Bakit nga ba ako nandito?

Bibili ka ng damit.

Okay, unahin ko muna iyon. Mamaya na lang ako iikot at magliwaliw.

Pumasok ako sa isang patahian kung saan may mga nakadisplay na damit.

I couldn't find the dress there kaya lumipat ako sa kabila. I saw a pink dress that was alike to Annaliese's dress, I like it.

Pero hindi ko kinuha.

I don't feel the pull.

But if ever I don't find a dress, I would get this dress.

Lumipat ako sa kabilang stall at wala nga akong nahanap doon, hanggang sa isang stall na lang ang mapapasukan ko.

Kukunin ko na lang yung pink.

Naglakad ako papalapit doon pero mula sa labas ay nakita ko ang isang babae na nakahawak na sa dress, binabayaran ito.

Napabuntong hininga na lang ako at napilitang pumasok sa huli.

Bakit kasi hindi ko pa kinuha? Iba tuloy ang nakabili. Paano kapag wala na akong makitang damit?

Tinatamad na ako.

"Good day, mademoiselle." Bati ng babae na nasa kahera.

Maliit lang ang lugar, hindi gaya ng iba na malaki at magarbo. Iilan lang ang pagpipiliang damit at hindi ganoon kaganda ang ilaw dito kaya hindi masiyadong kita ang mga damit.

Sa kahera ay hindi rin ganoon kalinis dahil may mga pirapirasong tela doon.

May pintuan sa likod kung saan kita ko ang lugar kung saan sila nananahi. Walang tao roon at iisa lang ang makina.

"Are you the owner?" Tanong ko habang tinitignan ang isang itim na ballgown.

"Yes, milady." Sagot niya at sinamahan ako sa pagtingin ng mga damit. Hindi naman siya matanda, pero hindi rin siya bata.

At anong taon ba ang hindi ka bata, hindi ka rin matanda?

Bente hanggang bente singko.

"I assume that you're also the seamstress and designer." I said at binitawan ang itim na ballgown.

"Yes, milady."

"Oh, please don't call me in that way. I'm not an aristocrat or whatsoever. Just a peasant."

Lumapit ako sa kulay sky blue na damit.

It was like Aurora's dress but in blue.

"You're dress tells me you're nothing like a peasant." She answered.

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon