4

78 9 0
                                    

Nadatnan kong walang healer ang clinic. It's still lunch time kaya siguro wala pa ang resident healer.

I just need a potion for these scratches to disappear in a second. But I could also use an ointment but it would heal slower.

OR

I could heal naturally. Ilang araw lang naman ang itatagal ng mga ito. Tsaka para namang mamamatay ako!

The ointment and potions is in a safe they only bring out when necessary. I am left with one choice.

Wait for the healer.

Tinatamad akong kumuha ng antiseptic sa napakataas na cabinet tsaka darating din naman iyon. Bakit ko pa papagurin ang sarili ko?

Naupo na lang ako sa isang bed at tumunganga.

Malimit dito si Sandra noon. Madalas kasi siyang mapagkaisahan dahil hindi pa rin niya nailalabas ang kaniyang kapangyarihan. Yes, bullying still had its way in this world.

Napalingon ako sa pintuan noong bumukas ito pero napasimangot lang ako. Akala ko yung nurse, si Seth lang pala.

I swung my feet and just watched it out of boredom. I sighed again.

Nasaan ka na!?

Wala man lang kasi silang TV dito. Nakakabagot.

Napatingala ako noong makita ang isang pares ng sapatos sa harap ko. Seth was in front of me, taking out a bottle of antiseptic solution and cotton.

"The healer went out to gather special herbs. He won't be here until sundown." He said as he dampened the cotton with the solution.

What's his deal?

He's usually the silent type. Hindi naman sa hindi siya nagsasalita, mediyo nirereserba lang niya ang mga salita niya para sa mas mahalagang usapin.

At dahil ang kit na ang lumapit sa akin. Sasamantalahin ko na.

Kukuha na sana ako ng bulak nang bigla niya hawakan ang baba ko kaya napatingin ako sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

He then tilted my head sideward for a better look at the wound on my cheek. I tried moving pero ibinalik niya lang sa dati ang puwesto ko.

Sinubukan ko ulit para sana kumuha ng bulak pero hinawakan niya ulit ang baba ko at ibinalik sa puwestong gusto niya.

Aba! Attitude ka boy?!

At hindi na nga niya binitawan ang baba ko. Hindi na rin ako umalma at hinayaan na lang siya habang iniisip ko kung ano ang gagawin ko para maging heneral ng mga mag-aaral na mandirigma.

I'm skilled in bare hands but I have never tried using a sword, the closest I have is a knife.

I'll have to work on that first para sure win ako sa first try. I will have to take it slowly para hindi ako ganoon mahirapan, lalo na at may naidala pa rin akong katamaran dito.

Magfo-focus muna ako sa paghahanap ng sagot dahil iyon naman ang priority ko, and I will be practicing my fighting skills while learning.

I know there are still breadcrumbs, and if there's nothing left then I'll have a K9 sniff the truth. Duh!

First off, I need answer to my first question?

"Paano namatay si Sandra?" I asked him and tilted my face para kita ko siya.

This really is our first encounter but I had always felt comfortable with him kahit na si Sandra pa lang ng nandito. Maybe because I feel like we have the same problems.

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon