13

42 4 0
                                    

Paglingon ko ay nakita ko ang mukha nito. Seryoso at may galit. Ito ang mukhang madalas kong makita sa kaniya noon pa man.

Ngayon ko na lang ito nakita ulit.

Ano na bang ginawa ko?

Lumuhod ito sa harap ko at seryosong tinanggal ang dugo sa leeg ko.

"Sina ba kasi yung hinahabol niyo?" Tanong ko para naman may alam ako kung saan ko hahanapin yon.

Pagdaan ng ilang segundo ay hindi ito sumagot.

"Tinatanong kita ginoo."

Tahimik lang ito kaya hindi ko na lang ginulo at tumingin sa paligid. May mga batang naglalaro, mga naglalako, ilang mamimili, at mga estudiyanteng pabalik na yata sa akademya.

Kita ko ang pagsulyap ng iba sa amin kaya tumingala na lang ako.

Ayoko sa mga tingin nila.

Natapos din siya agad at tumayo na. Tumigil na rin naman sa pagdurugo ang sugat ko pero naaasiwa ako sa tingin ng iba na akala mo huhubaran ako.

Eww!!!

At dahil ako ay extra...

May extra akong panyo. Itinali ko iyon sa leeg ko na parang isang accessory para lang matakpan ang sugat ko.

"Tara na. Kailangan pa nating maghanda." Masungit na saad nito. Kanina pa to ahhh...

Magsungit ka kung gusto mo!

Nauna na akong naglakad at iniwan siya doon. Sige lang, magsungit ka pa.

Mas mataray ako!

In-enjoy ko na lang ang paglalakad ko at tinignan ang mga nakangiting tao sa bayan. Noong makita ang tarangkahan ay napabuntong hininga na lang ako.

Well, it was a wonderful day.

I've had fun...

After years, I had fun.

May nakita akong naunang mga students na kung hindi nakasakay sa kalesa ay naglalakad.

I've always walked home with Crissa when we were still friends, until I began to walk alone. Naawa ako sa sarili ko, hindi na ako naglakad pauwi.

I learned how to ride a motorcycle and a four-wheel car.

I learned to be independent dahil alam kong wala na akong kasama. Then I started pushing them further. Wala din namang nagtangkang lumapit sa akin.

Alam kong hindi sila magtatagal sa akin. They will sever our ties and it would hurt me again.

I can't be attached like the students in front of me...

Masayang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan nila, enjoying their friendship.

I can't do that.

I don't have friends.

I only have Sandra who I can't even be with.

Napabuntong hininga na lang ako para pagaanin sana ang mabigat kong dibdib.

Napakabigat na nga ng damit ko sasabay ka pang lintik na puso.

Pinunas ko ang takas na luha sa pisngi ko at sinapak ang dibdib ko. Bakit ba ngayon pa ako nagdrama?

"Alex?" Napalingon ako sa likod at nakita doon si Rod kasama ang mga kaibigan niya.

"What?"

They were taken aback by my repulsive response. Lumayo kayo at naiinis na naman ako sa sarili ko!

Switched WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon