**********oo**********
Tatlong araw ang LumipasAraw iyon ng huwebes, napagpasyahan nina Khael na bisitahin ang mag lola para malaman na din ang tungkol sa kanilang lakad ng Sabado
Tatlong araw ng hindi nila na bibisita ang maglola dahil naging abala na sa bukid si Khael kasama ang kanyang Tatay Carlos at ang dalawang kaibigan
Inani nila ang mga tanim gulay at mga saging na kanilang ibebenta sa kanilang mga kababaryo bago sa bayan
May dala din sila para ipasalubong sa maglola at kay Elena na pinadala naman ng kuya nito
Matapos makapananghalian ay umalis na ang tatlo gamit ang tricycle na binili ni Tatay Carlos
Gamit nila ang tricycle sa paglalako ng kanilamg mga na aning prutas at gulay sa kanilang mga kababaryo at sa pag dala sa bayan, para hindi na sila mag arkila dahil doble ang gastos
"Tuloy na tuloy na tayo sa katapusan," ani ni Kevin sa kanilang dalawa, katabi nito si Khael at nasa loob si Bryan kasama ang dalawang kaing na naglalaman ng mga sariwang gulay at prutas na ipapasalubong sa maglola
"Oo,"pag sang ayon niya,"Kailangan natin paghandaan ang pagpunta doon, delikado pa naman lalo na ngayon at banta sa atin sina Apollo at ang kanyang Ama,"
"Kaya mo yan," pampalakas loob ni Kevin,"Isa kang malakas na aswang at bampira, kaya kayang kaya mo silang talunin,"
"Oo nga naman Khael," pagsang ayon ni Bryan,"Kita mo nga natalo mo si Barakuda na ang laki laki ng katawan at ang daming galamay,"
"Iba ang dalawang iyon," sabi pa niya sa mga ito
"Susuportahan ka namin," kuro ng dalawa kaya napapailing nalang siya, masyado kasing maingay ang mga ito kaya tumigil nalang siya para wala ng mahaba pang usapan
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ng maglola, naabutan nilang nasa may lilim ang tatlo ng punong mangga at nagpapahinga
Dahil katatapos lang din ng tatlo na makakain ng tanghalian
Nakita naman kaagad sila dahil ipinasok nila sa bakuran ang dala nilang tricycle
"Napadalaw yata kayo mga apo," ani ni Lola Maria,"Maaga pa para umakyat ng ligaw sa dalaga ko," biro pa nito na ikinatawa nilang apat maliban kay Yuri na napakatahimik ng sandaling iyon
"Tungkol po sa mutya ng kalamansi at mutya ng niyog na walang mata, Lola," ani ni Khael na napapakamot sa ulo
"Ah sige, maupo kayo mga apo," yaya ni Lola Maria,"Ipapaalam ko sa inyo ang tungkol doon,"
"Para po mapaghandaan namin ang aming pupuntahan," ani ni Kevin sabay subo ng pagkain
Dahil may mga pagkain sa harapan nila, katatapos lang kasi kumain ng tatlo ng mga sandaling iyon
"Takaw," buska ni Yuri,"Pagkain na naman ang inuna mo,"
"Para makakuha kayo ng mutya ng kalamansi ay kailangan ninyong bantayan ang bawat puno ng kalamansi," pag uumpisa ni Lola Maria sa kanila
"Ano po?!," gulat na tanong ni Kevin na nabilaukan,"Ang sabi niyo po isang farm na kalamansi ang pupuntahan namin at koprahan, Lola so lahat ng puno ay titignan namin?,"
"Oo, tama ka apo," nakangiting tugon ni Lola Maria,"Babantayan niyo ang bawat puno ng kalamansi ng maghapon sa Sabado, hanggang bago maghating gabi," dagdag pa nito
Nagkatinginan naman sila dahil sa sinabi ni Lola Maria, napapakamot naman nalang sa ulo sina Bryan at Kevin habang napapangiti nalang si Lola Maria sa reaksiyon nila

BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
УжасыHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...