**********oo**********
Alas Dose ng Hating Gabi
Nagkakasayahan na ang mga aswang at bampira sa palsyo at bulwagan ng palasyo nina Apollo
Halos maubos ang mga biktima nila na inilabas nila mula sa dalawang kulungan, pinakawalan nila ang mga iyon at hinabol habol ng mga aswang na tumatakbo ang mga iyon na umiiyak
Tuwang tuwa naman ang mag aamang Apollo sa mga nakikita nilang kasiyahan ng mga kauri nila at mga bisita nila
Napapailing nalang si Greg sa nakikitang kademonyuhan ng mag ama kahit na ang pinakabatang anak ni Serafino
Tuwang tuwa sila kapag nakakahuki ang mga aswang ng bihag na kaagad naman pinapatay at kinakain
Halos mapuno ng iyakan, hiyawan at tawanan ng mga aswang at biktima, kaya napapapikit nalang si Greg at naikuyom ang mga kamao dahil sa awa ng sa mga biktima na nakikita niya
Napalingon siya sa isa pang kulungan na puro babae ang nakakulong doon, na sa pagkakaalam niya ay kaedaran lang ng kanyang dalagitang anak
Alam niya na iaaalay ng mag ama ang mga babaing birhen sa pitong demonyo na maya maya lang ay magpapakita na sa kanila
"Darating na sila!," sigaw ni Haring Serafino,"Magsipagtabi kayo!,"
Agad naman umalis sa pinakagitna ng bulwagan ang lahat ng mga aswang na hawak hawak pa ang mga nahuling pagkain ng mga iyon
Gumilid ang lahat at iniwanan ang gitnang bulwagan kung saan ay lalabas at susulpot ang mga demonyo na galing sa impyerno
Ilang sandali pa ay nagkaroon ng lindol na sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon din ng lamat ang pinakagitna ng bulwagan
Mula sa bitak bitak at lamat na makikita ay lumalabas doon ang usok na tila galing sa napakalaking sigaw, dahil mainit sa pakiramdam nila ang usok na iyon
Nanlaki ang mga mata ni Greg ng mula sa bitak at lamat ay nagkahiwalay ang magkabilaang sahig na tila gumawa ng daanan sa sinumang lalabas mula sa ilalim, pinagpapawisan pa ng malamig si Greg
Hindi na siya napakali dahil ngayon pa lang niya makikita ang tinaguriang pitong Prinsipe ng impyerno, na siyang naghahasik at pinagmulan ng kasalanan sa ng mga mortal
Ilang sandali pa ay lumabas na doon ng paisa isa ang mga Prinsipe ng impyerno
Lumuhod silang lahat ng makompleto na ang pito, napakainit ng pakiramdam na nararamdaman ni Greg at halos manuyo na ang kanyang lalamunan
Ang ilang mga mababang uri ng aswang at bampira na malapit lang din doon kagaya ng mga alipin ay bigla nalang na nasusunog dahil sa tindi ng init na nararamdaman
Mabuti nalang ang ilan ay nakaalis na bago pa lumabas ang mga iyon sa inoyernong pinagmulan
Na ang mga balat ay parang katulad ng sa litson dahil nangingintab ang mga iyon sa init, na tila bagong hango lang sa baga
Ang mga mata naman nh mga iyon ay kulay pula na tila nagliliyad na baga ng apoy
"Ano ang inyong kailangan?," kuro ng pito ng makita ang mag ama
![](https://img.wattpad.com/cover/274422236-288-k258085.jpg)
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
TerrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...