Chapter 02

910 55 2
                                    


**********oo**********

"Ano ang plano mo, Apollo?," tanong ng isang kalahi ng kanyang inang Reyna,"Babalakin nilang kunin ang mutya ng kalamansi at ang banal na langis na magmumula sa katas ng mahiwang bunga ng niyog, at delikado tayo,"

"Paghahandaan natin iyan," ani ni Apollo,"Kailangan kung makaganti sa pagkakapatay nila sa aking ina at kapatid,"

"Maaasahan mo ang aming lahi, Mahal naming Prinsipe," yumuko ang tikbalang sa harapan niya

"Ano ang maaari kong itawag sayo?,"tanong ni Apollo

"Ako ang Heneral ng mga Tikbalang," pagpapakilala nito,"Tawagin niyo nalang po akong Safari," pagpapakilala nito

Tinignan ni Apollo mula ulo hanggang paa ang heneral ng mga tikbalang, nakakatakot ang itsura nito na tila may lahing aswang din

May matipunong pangangatawan na halatang batak sa pakikipaglaban, may mag pilat pa ito sa ibat ibang bahagi ng katawan na alam nitong natamo nito ang mga iyon dahil sa mga labanang nakaharap na niito

Alam ni Apollo na malaking pakinabang sa kanya ang tikbalang na ito, kaya magagamit niya iyon sa labanan ng kanilang lahi laban kay Khael

Alam din ni Apollo na kapag nalaman ni Khael kung saan ito nakatira malamang ay susubukan nitong umuwi para hanapin ang mga kalahi nila at ng ina nito na hanggang ngayon ay tapat pang naglilingkod sa mag asawa

Kahit na alam na ng mga iyon na matagal ng patay ang mag asawa at ang anak ng mga ito, at iyon ang hindi niya mappayagang mangyari dahil baka matalo lang sila

Pero hindi siya papayag na matalo sila, gagawa sila ng paraan ng kanyang ama para malupig ang mga kalahi nito at maging si Khael

**********

Biyernes ng Hapon

Nasa labas ang maglola kasama si Ella habang nagku kwentuhan ng huminto ang isang jeep sa kanilang bakuran

Buhat doon ay bumaba ang pitong sakay ng mga iyon

"Sister Janelle," masayang yumakap si Yuri sa Madre,"Nena," bati nito, sabay kaway sa lima pang papalapit sa kanilang pwesto

"Leigh," ani ni Sister Janelle sabay yakap sa dalaga

"Mano po Lola Maria," ani ng pito sabay mano sa matanda

"Hapunan po natin," ani nina Kevin ar Bryan na may dalang tig isang bayong, mga gulay, prutas at may manok na handa ng iluto

"Nag abala pa kayo," napapangiting sabi ng matanda,"Kaawaan kayo ng ating Panginoon,"

"Opo," ani ni Khael,"Kasi nagyaya po sila na dito na kami maghapunan, saka may bigas pa po kaming dala,"

"Para naman po masaya ang hapunan natin," ani ni Aira

"Sasama din po kami sa lakad nila," ani ni Nena,"Para hindi po sila mahirapan sa labanan,"

"Handa po kami lumaban, Lola," nakangisi na sabi ni Sister Janelle kaya pinandilatan ni Yuri ito

Nagkatawanan naman silang lahat habang  nag aasaran, ipinasok naman ng tatlong binata ang mga dala nilang pasalubong

**********

Sa di kalayuan

Nakatayo si Apollo habang nakatingin sa kanilamg lahat, napansin naman iyon ni Yuri ng pumasok na ang mga kasama nila

Naglakad ng dahan dahan papalapit si Apollo kay Yuri na nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot nitong pantalon

"Anong ginagawa mo dito?," pigil na tanong niya sa kaharap

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon