Chapter 50

1.3K 96 57
                                    

**********oo**********


Medyo madilim na ang kapaligiran ng masapit nina Gudo at Haring Kharry ang bahay nila Nanay Alfie

Pansin nila na napakatahimik na ng buong kapaligiran dahil halos sarado na ang mga kabahayan at wala ng katao tao sa kalsada na dati ay may mga naglalaro pa at may mga tao pang naka kalat sa labas ng bawat bahay

Alam ni Gudo na alas siyete pa palang ng gabi dahil medyo maliwanag pa ang kapaligiran ng mga sandaling iyon

Kahit na may malaking buwan ay medyo maliwanag pa ang kalangitan dahil may nakikita pang kakaunting liwanag

"Malapit na po tayo," sabi ni Gudo para putulin ang katahimikang namamayani sa kanilang dalawa

"Mabuti naman," ani ni Kharry

"Ayon na po," sabay turo sa di kalayuang bahay nina Alfie

Napatango at napangiti lang si Kharry sa katabi, alam ni Gudo na nasasabik na ito na makita ang mahal na Prinsipe na matagal na nilang hindi nakapiling

Minadali na nila ang paglalakad dahil malapit ng pumula ang buwan ng mga sandaling iyon

Alam nila na eksaktong alas dose ng hating gabi ang pagpula ng buwan, kaya kailangan nilang magmadali

**********

Alas Otso ng Gabi

Nang makatawid sila sa ilog na halos hanggang dibdib ang taas ng tubig kaya basang basa ang damit nila ng makaahon doon

"Magpalit na muna kayo," ani ni Kevin,"Kami na muna ang magbabantay dito,"

"Sige," sagot at kuro nilang lahat na nagpunta sa isang malaking puni at doon sila salitan na nagpalit ng damit habang tinatakpan ang isat isa para sila magkahiyaan

Nagtatawanan sila habang nagbibihis dahil sina Aira at Trina ay wala ng pakialam na naghubad ng lahat ng kanilang mga suot

Napapailing nalang silang tatlo ng makita iyon, kaya nagmamadali na silang magbihis para makapagbihis na din ang tatlong kasama nila

"Kayo na," ani ni Aira na kumikindat pa sa tatlo, habang ang ilan ay inaayos ang mha buhok na nagulo

Pinupunasan naman ni Yuri ang nabasang katawan ni Khael dahil nabasa din ito ng mahulog sa dala niyang bag

"Wag kang sisilip, Aira!," sigaw na banta ni Kevin

"Hindi kita sisilipan, wag kang ambisosyo, Kev!,"sigaw nito,"Alam kong maliit yan eh," sabay tawa

"Anakan pa kita ng sampu, makita mo!," sigaw naman ni Kevin na ikinatawa nilang lahat

"Bilisan na natin," ani niya,"Eksaktong alas dose bg hating gabi, pupula na ang buwan at mamumukadkad na ang bulaklak,"

"Sandali lang!," ani ng tatlo na nagmamadali ng nagbihis dahil nakikita nila na nagtatawanan pa ang mga iyon

Ilang sandali pa ay nakabihis na ang mga iyon, inilagay na ng mga ito ang basang damit sa isang supot bago ipinasok sa loob ng dalang bag ng nga ito

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon