**********oo**********
Samantala,Sa kakahuyan kung nasaan ang mga engkantong puti, mga engkantado, mga puting elemento at ang mga ermitanyo na nakahanda na para sa hudyat na gagawin ng kanilang Hari
Lahat sila ay nagtipon tipon na doon para sa paglusob at pagtulong sa mga iyon
Sa kabilang banda naman ng kaharian nila Greg, ay may mga aswang din na nakahanda na para tumulong at patayin sina Haring Serafino, sila ang mga katiwala at mga alilang aswang sa palasyo
Mga aswang na nanirahan sa malalayong lugar para mapalayo sa kalupitan at sa pagkain ng karne ng tao, kasama na dito ang mga mangkukulam, mambabarang na nakatira sa Pulang Lupa
Na matagal ng nananahimik at hinihintay nalang ang pagbabalik ng tagapagmana at ng nag iisang Prinsipe ng lahat
Halos nasa limang libo ang bilang ng mga iyon, nakahanda na sila sa hudyat, hudyat para makapagpalit ng kaanyuan sa tulong ng maliwang na buwan
Ilang sandali pa ay umungo at umalulong si Haring Karry habang nakikipag sagupaan siya sa kanyang kapatid, isang napakalakas na alulong,
Iyon na ang hudyat para sila ay lumabas at lumusob sa kaharian nila Greg, para tulungan ang mga iyon
Sabay sabay na nagpalit ng kaanyuan ang dalawang libo at limang daan na mga aswang, samantala ang mga mangkukulam at mababarang na nasa limang daan ay sumakay s mahiwagang walis nila at lumupad papunta sa kaharian
Mabilis na nagsipagkilos ang mga aswang, mabilis na tumakbo at lumipad papunta sa kaharian para tulungan ang kanilang Hari
Nawala naman ang lahat ng mga elemento sa kagubatan, sa tulong ng kanilang kapangyarihan
Sumulpot nalang bigla ang mga iyon sa harapang ng mga aswang at pinagtataga iyon gamit ang kanilang sandata na may basbas ng ermitanyo
Gamit ang mga kapangyarihan at tungkod ng mga ermitanyo ay napatay nila ang ilang aswang na nasa harapan nila
Ang ilan ay nasa labas ng palasyo at nasa Nayon para tulungan ang mga mahihinang bampira
Protektahan ang mga inosenting batang bampira sa pananalakay ng mga aswang, tiyanak, sigbin at mga impakto
Nandoon din napunta ang limang daang mangkukulam at mambabarang sa Nayon
Para kalabanin ang mga kalahi nila na kumampi sa Haring Serafino
Itibakas naman ng ibang engkanto ang mga kalahi nila Mayumi, inilagay sa ligtas na lugar kung saan ay hindi makakapasok ang mga aswang at masasamang elemento maliban lamang sa kanila
**********
Sitio Kilabot
Humahalakhak na pinagmamasdan ni Apollo ang mga taong kinakain ng mga alagad niyang aswang
Ang ilan ay sinisitmra ang mga kabahayan para mapuksa at makain ang mga taong nasa loob at nagtatago
"Sige, patayin niyo silang lahat!," utis nito habang lumilipad at paikot ikot sa himpapawid,"Maria! Nasaan kana!," sigaw na tawag nito kay Lola Maria,"Ito na ang tamang oras para sa paniningil ko sayo!!,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...