Chapter 29

797 63 5
                                    


**********oo**********

Kinabukasan

"Maraming Salamat sa inyong lahat!," ani ng kapitan ng Baryo Banal sa kanila matapos malaman ang kanilang kabayanihan ng nagdaang gabi

"Kung hindi dahil sa inyo hanggang ngayon ay sumusunod pa din kami sa mga utos at batas ni Father Joseph," ani ng isang matandang babae na umiiyak

Isa kasi ito na nawalan ng anak, pinugutan ang anak nito matapos mahuling nagnanakaw ng mangga malapit sa sementeryo

"Kung hindi din dahil sa inyo," ani pa ng isang Ginang,"Patay na ang mag aama ko, maraming salamat sa inyong walo," umiiyak nitong niyakap si Yuri

Siya ang asawa ng matandang lalake at nanay ng dalawang binata na nakasama ni Yuri sa basement na bibitayin sana kung di siya nakialam sa utos ng Pari

"Walang anuman po iyon," ani ni Yuri,"Hindi po namin maaatim na mamuhay kayo sa kadiliman hanggang sa lumaki ang inyong mga anak at mga apo,"

"Tutulong po kami hanggang sa aming makakaya," sambit naman ni Nena sa mga taga Baryo

"Utang namin sa inyo ang kalayaan ng Baryo Banal at ang aming mga buhay,"ani naman ni Tiyo Fred

"Sabihin niyo lang kung paano kami makakabayad sa inyo," sabi ng Kapitan nila

"Makakabayad na po kayo s aamin kung mamumuhay po kayo ng maayos," sambit ni Khael,"Iyong hindi nang aagrabyado ng kapwa, nagtutulungan at higit sa lahat ay pinaiiral ang malaking takot, pagtitiwala at pananampalataya sa ating Poong Maykapal,"

"Makakaasa kayo," kurong pagsang ayon ng mga taga Baryo kay Khael

"Saan pala ang punta niyo ngayon?," tanong ni Tiya Isabel

"Sa susunod na Baryo po, Tiya," tugon naman ni Nena

"Sa Baryo Tiktikan?," gulat na patanong naman ng Kapitan

"Opo," tugon ni Kevin,"May hinahanap po kasi kaming kaibigan na nawawala,"

"Delikado ang Baryo na iyon," ani ni Tiyo Fred,"Wala ng nakakalabas ng buhay doon kapag tumapak kana sa loob mg Baryo,"

"Tama si Fred," pagsang ayon ng Kapitan,"Napaka delikado doon kumpara dito sa Baryo namin noon, dahil halos wala ng lumalabas ng kani kanilang mga kabahayan pagsapit ng gabi,"

Nagkatinginan silang walo dahil sa sinabi ng kaharap nila

"Wag na kaya kayo tumuloy?," awat pa ni Tiya Isabel sa kanila

"Hindi po pupwede," tanggi ni Yuri,"Kailangan po namin tumuloy at kailangan namin mahanap ang nawawala naming kaibigan," sinakyan nalang nila ang sinabi ni Kevin na may hinahanap sila

Para hindi na magtanong ng kung ano ano ang mga taong kaharap nila at para wala ng alam ang mga ito tungkol sa kanila

"Aalis na po kami," paalam ni Aira,"Baka po gabihin na kami sa daan eh,"

"Babalik nalang po kami dito kapag maayos na po at nakita na po namin siya," nakangiti pang dagdag ni Trina,"Maaari po ba kami ulet makadaan at makituloy dito?,"

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon