**********oo**********Kaagad naman umalis si Gudo para puntahan ang Baylana na tumatawag sa kanya
Alam nito na may kailangan ito sa kanya, kaya hindi na siya nagdalawang isip na kaagad na puntahan iyon
"Ano ang maipaglilingkod ko sayo, Baylana?," tanong ni Gudo ng ilang sandali pa ay nakarating na doon
"Kamusta, Gudo?," tanong ni Mayumi,"Ang aking asawa?,"
"Kamusta, Kamahalan?," tanong na ganti ni Gudo,"Maayos naman ang kamahalan at dalawang araw pa bago makauwi ang Mahal na Prinsipe kasama ang mga kaibigan niya," nakayukong sambit nito sa mga kaharap
"Gudo," ani ng Baylana,"Matutulungan mo ba kami?," tanong nito
"Ano iyon, Baylana?," tanong nito
"Maaari mo bang tulungan ang ating Prinsesa Mhiya?," tanong ng Baylana sa kanya
"Ano po ang maaari kong maitulong sa ating dilag?," nakangiting sambit nito
"Tulungan mo siya na maitakas sa pag iisang dibdib nila ni Apollo," sambit ni Mayumi,"Isama mo siya kung nasaa ang aking mag ama pansamantala lang naman,"
Nanlaki ang mga mata ni Gudo dahil sa nadinig nito, napaupo ito at napaihalamos ang dalawang kamay sa mukha nito
"Malaking gulo po iyan," sambit nito,"Isang malaking digmaan po ang mangyayari sa kagustuhan ninyo,"
"Alam ko," ani ni Greg,"Kaya handa na ako sa maaaring mangyari, kaya sana tulungan mo kami,"
Napabuga nalang ng hininga si Gudo bago tumayo at tinignan silang lahat na para bang sinisigurado nitong payag ba sila sa kagustuhan ng mga ito
"Ano payag kana ba, Gudo?," tanong ni Greg sa kanya
"Sige po," sagot niya na kahit labag sa kalooban ay pumayag na sila
"Magbihis kana," ani ni Asha sa anak nito,"Mag iingat ka doon,"
"Opo, Ina," sagot naman ni Mhiya,"Mag iingat din po kayo," sabay yakap sa mga iyon pati sa kambal nila
Niyakap din nito ang kanyang tiyahin na umiiyak na ng mga sandaling iyon
"Tara na po, Prinsesa," yaya ni Gudo,"Hindi na kita idadaan sa lagusan,"
Kaagad na niyakap ni Gudo ang Prinsesa bago naglaho sa harapan ng mga iyon
Nakahinga naman ng maayos ang mga naiwan sa silid na iyon ng mawala na ang dalawang sa kanilang harapan
Napaiyak nalang si Asha ng mawala na sa kanilang paningin ang anak at ang kaibigang engkanto ng Baylana
**********
Tatlong araw ang mabilis na lumipas bago nagkamalay si Yuri
Kaagad naman siyang bumangon dahil sa nakakaramdam na siya ng gutom, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya
"Mabuti at gising kana, Yuri," sambit ni Aira ng makita siyang nakaupo sa higaan nila,"Kamusta na ang pakiramdam mo?,"
"Ayos lang naman ako, Aira," sagot niya sabay sapo ng mukha,"Anong nangyari sa akin?,"
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
TerrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...