**********oo**********
Lunes ng Hapon
"Lola Maria! Lola Maria!," sigaw na tawag mula sa labas ng bahay
"Nandito na po kami!," sigaw pa ulet ng isa pang boses
Nagkatinginan ang nasa loob ng bahay habang nakaupo malapit sa kinahihigaan ni Yuri
Agad na tumayo si Lola Maria at binuksan ang pintuan
"Mga apo," natutuwang sambit ni Lola Maria ng makita ang lima,"Pasok kayo, mabuti at nakauwi kayo ng ligtas,"
Matapos makapag mano ay agad silang pumasok sa loob ng bahay
"Anong nangyayari?,"nagtatakang tanong naman ni Aira matapos makapag mano kay Sister Janelle
"Naku," ani ni Nena,"Halos hindi kami tantanan ng mga aswang na yan, halos gabi gabi kami binisita at ginugulo, mabuti at nakauwi ma kayo at may kasama na din kami,"
"Ano po?," may pagtatakang tanong ni Khael sa kanila
"Palaging nandito ang mga aswang," sagot ni Sister Janelle,"Mga alagad ni Apollo, baka inuutusan niya para makuha si Leigh, kaya todo kami bantay at ingat para di niya kami mapasok,"
"Mabuti at ligtas kayo," ani niya sabay baling ng tingin kay Yuri na noon ay tulog,"Bakit po nakatali siya?,"
"Nagwawala siya," tugon ni Lola Maria,"Dahil sa laway at hawa ng aswang, nagiging aswang na siya at kung hindi ko siya itatali baka makatalas siya at makapambiktima ng tao,"
"Lola, ipainom na po natin ang lunas," sabay abot niya sa matanda,"Para gumalimg na po siya,"
"Para makasama na po nmain siya papunta sa lugar ng mga Mnggar," sabi ni Kevin na nakangiti,"Kulang ang saya kapag wala siya,"
"Naku, umayos ka nga Kevin," saway ni Aira,"Halos maihi kana sa takot sa itsura ni Inang Banang eh,"
Sabay sabay pa silang apat na nagtawanan, napapailing nalang si Lola Maria, habang napapatingin sa apong nakahiga
Matapos maipaghanda ng makakain ang lima ay inumpisahan ng gamutin ni Lola Maria ang mga sugat ni Yuri, pinainom niya ang halos kalahating bote ng lana sa apo para mawala ang laway ng aswang na nasa katawan nito
Nakita nila na lumalabas sa mga sugat at galos nito ang laway ng aswang na nakakagat sa dalaga
Hanggang sa makapuno sila ng isang tabo ng laway na sa bandang huli ay may kasama ng kulay berde
"Ligtas na ang apo ko," bulalas ni Lola Maria,"Mapainom nalang siya ng banal na lana ay ligtas na siya,"
"Hay salamat," halos sabay sabay na napabulalas ang lahat dahil sa nadinig mula kay Lola Maria
Napapikit at napausal ng dasal para sa dalagang nakahiga
Tinahi naman ni Lola Maria ang kagat ng aswang sa braso ni Yuri ng matapos iyong bihisan at linisan
Doon na din nagpalipas ng gabi ang lahat para mabantayan si Yuri na hanggang ngayon ay wala pa ding malay
Sasamahan nila ang maglola at baka bumalik pa ang mga aswang lalo na si Apollo
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...