**********oo**********
Kinabukasan,
Matapos nilamg makakain ng pananghalian ay naghanap nalang sila ng matutulugan ng hapong iyon, dahil wala ng tricycle ang maghahatid sa kanila kapag sumapit na ang alas dos ng hapon
Kaya wala silang nagawa kundi ang maghintay ng umaga para makapunta sa Baryo Banal
"Handa na ba kayo?," tanong naman ni Yuri sa mga kasama niya
"Isuot niyo na," ani ni Aira sa mga kaibigang binata, sabay bigay ng tig iisang supot na kung saan nakalagay ang mga susuotin nila
Agad naman na inabot ng tatlong binata ang bawat supot, tahimik na nagpalit ng kanilang mga kasuotan habang ang lima naman ay nagpapalit din ng suot
"Halika," tawag ni Yuri kay Khael,"Ako na magsasara ng damit mo," sabay ngiti sa binata
"Sige," sagot naman niya sabay pulupot ng dalawang braso sa bewang ng dalaga
"Ayyy, ang daming langgam!,"tili ni Aira ng makita ang dalawa sa harapan nito
"Uy kayong dalawa," sita ni Sister Janelle,"Ubusin na ninyo ang lambingan at yakapan dito sa bahay, bago tayo umalis,"
"Kasi baka mapugutan kayo ng ulo sa Baryo Banal," dugtong naman ni Trina,"Sayang naman at wala man lang kayo naging anak," sabay tawa
Inirapan lang sila ni Yuri habang napapakamot naman sa batok si Khael na napapangiti
Hinalikan muna ni Khael sa labi si Yuri bago pumunta sa pwesto ng dalawang binata na inihahanda ang nga bag ng mga iyon
Nadinig pa niya ang panunukso kay Yuri kaya napapailing nalang siya sa mga iyon
Nakita niya na nakabihis na sila maliban kay Yuri na nasa loob pa ng banyo para magbibis
Ilang sandali pa ay lumabas na ito doon at nakita nila na para nga itong isang tunay na Madre
"Naka sapatos?," takang tanong ni Aira ng makita ang suot ni Yuri,"Tapos naka pantalon kapa?,"
"Para handa sa takbuhan at labanan," sagot nito na natawa
"Parang ikaw iyong bidang babae sa pelikulang Underworld ah," komento naman ni Kevin
Napangiti nalang si Yuri sa mga komento ng mga kaibigan niya, napapailing nalang si Khael sa dalaga, ngayon lang kasi niya napagtanto na bagay pala talaga dito ang pagiging Madre
"Tara na," yaya ni Yuri bago kinuha ang bag at nauna ng lumabas ng bahay na kanilamg inupahan
Binayaran na nila iyon hanggang sa kanilang pagbabalik mula sa Baryo Arguas
Kaya walang angal ang may ari ng paupahang bahay na halos kakasya lang silang walo
**********
Alas Otso ng Umaga
Dalawang tricycle ang kanilang inarkila para maghatid sa kanila sa Baryo Banal,
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...