**********oo**********Galit na galit si Apollo ng dahil sa nakita niyang tagpo
Magkalapat ang mga labi nina Khael at Yuri, nagbaga ang kanyang mga mata ng hindi niya namamalayan
Tinubuan siya ng mahahabang kuko, lumaki ang kanyang katawan kaysa sa dati,
Nahintatakutan naman ang mga alagad nito ng makita ang totoong kaanyuan ni Apollo
Kahit sino ay wala pang nakakakita sa tunay nitong kaanyuan lalo na kapag nagagalit ng sobra
Sumigaw iyon ng napakalas kaya nabasag ang salamin na nakapaikot sa kanilang bahay
Nagtaguan ang mga alagad nitong aswang dahil sa takot na baka sila ang pagbalingan nito ng galit
Kilala nila si Apollo bilang malupet na Prinsipe at walang puso pagdating sa kanila, lalo na kapag sila ay nagkakamali kahit kaunti
Umiwas na sila na baka mapansin sila at gawing giniling o inihaw kapag napagdiskitahan sila nito
Alam nila kung ano ang ikinagagalit nito kaya kahit sila ay walang magawa para tulungan ito
Lumabas iyon ng malaking bahay kaya nakahinga sila ng maluwag dahil alam nila na maghahasik iyon ng lagim sa isang Baryo na nasa di kalayuan sa kanilang tinitirahang malaking bahay
Napaupo sila matapos makita ang mga kalat at sira sirang gamit sa sahig, maging ang semento na kanilang kinauupuan ay nagkaroon ng lamat ng sumigaw iyon
Ngayon alam na nila kung gaano ito kalakas at kapanganib
Kahit sila ay gusto ng magbagong buhay at bumalik sa dating buhay, pero wala silang magawa dahil ang ama na nito ang bagong Hari
Lagi nila iniisip na sana ay buhay pa ang dating Hari at Reyna maging ang anak ng mga iyon
Hindi pa kasi nila nakikita si Khael na nag anyong aswang kaya hindi nila iyon kilala, maliban sa mga napaslang ni Khael na mga aswang
**********
Matapos makapag hapunan ay niligpit na nila ang mga pinagkainan at nilinis ang mga kalat na kanilang ginawa
Nasa harapan naman ng isang may kalakihang kaldero si Yuri at hinahalo ang ginawang lana ni Lola Maria habang nasa ibabaw niyon ang kanilang sandata
Nakapikit siya at umuusal ng kung anong orasyon para sa lana na ang kanyang Lola din ang nagturo
Napansin niya ang tahi sa kanyang braso, alam niya na kagat iyon ng aswang na nakalaban nila noon
Pero may kakaiba siyang nararamdaman matapos iyong matahi, pakiramdam niya ay may kung ano ang nasa loob na nakabaon o ibinaon
"Magro ronda lang po kami,"paalam ni Kevin sa kanilang lahat habang naghahanda
"Pwede sumama?," tanong ni Aira sa mga iyon
Napatingin sila kay Khael na umiling lang bago lumapit kay Yuri
"Lalabas muna kami," paalam nito kaya kinantiyawan na naman silang dalawa ng mga kasama nila
![](https://img.wattpad.com/cover/274422236-288-k258085.jpg)
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HororHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...