**********oo**********
Nilingon niya si Khael na nasa tapat na mismo ng punong Arguas, nakita niyang papasugod na ang mga aswang sa kinaroroonan nito
May mga aswang na din na pasugod sa kanila, kaya nataranta na siya sa dami ng mga iyon
"Puntahan na natin si Khael," yaya niya sabay takbo, kasunod ang mga kaibigan niya
Nang makita niyang tumakbo na din ang mga iyon ay huminto siya at hinarap ang mga aswang na nasa likuran nila
Siya na ang humarang sa mga iyon, gamit ang isang orasyon, ginamit niya ang kaliwa at ang orasyon na ginamit niya sa mga Mandaragit
Naramdaman niyang may dugong lumabas sa kanyang ilong kya agad niya iyong pinunasan para hindi na makita pa ng kanyang mga kaibigan para hindi na mag alala ang mga iyon
"Ang dami nila!," sigaw mina Kevin habang nakapaikot sila sa punong Arguas, habang paunti unying bumababa ang mutya mula sa bulaklak papunta sa dulo
"Hindi maaari!!!," sigaw ng isang matamdang Manggar," Sugurin at patayin silang lahat!!," utos nito sa mga Manggar na kaagad na nagpalit ng anyo
"Paikutan niyo si Khael!," sigaw niya sa mga kasama nila,"Wag ninyong hahayaan na makapasok sila at makalapit sa kanya!,"
Agad niyang iwinaiwas ang buntot ng pagi at ang manipis na itak
Lahat ng papasugod ay hinaharang niya at pinapatay
Pero ang hindi niya magawang maharangan ay ang mga Manggar na nakakatalon ng mataas kagaya ng sa mga aso
Napatingala siya ng may isang Manggar na tumalon sa ulunan niya kaya napalingon agad siya ng bumagsak iyon sa kanyang likuran sabay takbo papunta sa pwesto ng kanyang mga kaibigan
Hinabop niya din ito at hinarang, nakipagpambuno siya sa Manggar na iyon para hindi makalapit sa mga kaibigan niya
"Hindi kami makakapayag na makuha ninyo ang mutya!!!," sigaw pa ulet ng pinaka pinuno ng lahing Manggar habang umuusal din ng orasyon habang nakaharap sa kanila at nakadipa ang dalawang braso nito
Kinabahan siyang lalo dahil nakita niya ang mga insektong nakapaligid sa matandang aswang na isa din pa lang mangkukulam
"Mag iingat kayo sa mga insekto!," sigaw niya habang may hinahanap sa librong maliit
Kailangan niyang makontra ang aswang na Manggar na marunong din sa mga orasyon
Nang may mahanap siyang pangontra ay agad niyang kinontra niya, isang malakas na hangin na parang ipo ipo ang binigay niya
Para maitaboy ang mga insektong papasugod sa kanila
Nakita niya ng lumingon siya ang isang maliit na pagkislap ng mutya na kagaya ng sa bituin ang nahulog mula sa loob ng bulaklak
Lalong nang galaiti sa galit ang aswang ng makitang nahulog iyon sa mismong bibig ni Khael
Nakita nila ang ilaw nito na gumapang sa lalamunan ni Khael, humiyaw si Khael ng maramdaman ang mainit na pagsabog ng mutya sa loob ng kanyang bibig at lalamunan

BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
TerrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...