**********oo**********Yuri Leigh's POV
Halos hindi ako nakatulog dahil sa mga napag usapan namin ni Apollo, hindi ko naman pwede sabihin sa kanya na mahal at gusto ko siya, mali iyon
Halos wala din ako tulog dahil sa sinabi niya na nahahalata niya sa akin na si Khael ang gusto ko
Naguguluhan na ako
Hindi ako pwede umibig at magmahal, paano na ang pagiging Madre ko?
Dalawang linggo nalang at matatapos na ang bakasyon at pagsubok namin
Kailangan ko ng magdesisyon at mamili kung ano ba talaga ang dapat at hindi dapat
"Lalim yata ng iniisip natin ah," ani ni Sister Janelle,
"Kanina ka pa ba diyan, Sister?," tanong ko sa kanya
"Oo," sagot nito sa akin,"Mga 20 minuto na, dahil sa lalim ng iniisip mo ay hindi mo ako namalayan,"
Napapailing nalang ako, ganoon na ba kaabala ang isip at utak ko kaya hindi ko siya naramdaman na nasa tabi ko na?
"Pasensiya kana," ani ko sabay halo sa kape na binigay niya
"Inumin muna iyan," sabi niya sa akin, naupo siya sa harapan ko,"Maya maya gising na din sila at aalis na tayo,"
"Sister Janelle," ani ko sabay tinitigan siya
"Pag usapan natin iyan pagkatapos natin makuha ang mutya," nakangiti niyang sabi,"Magluluto muna ako ng almusal natin,"
Napatango nalang ako sa kanya, pasado alas tres pa lang ng madaling araw, kaya alam ko tulog pa ang mga kasama namin
Mamaya pang alas singko ang alis namin papunta sa taniman ng mga kalamansi at bukuhan
Kailangan namin maghanda at kailangang maayos ang utak ko dahil mapapalaban kami mamaya
"Tulungan na kita," ani ko sabay ayos ng mga plato at kutsara sa lamesa, nagpainit na din ako ng karagdagang tubig para makapag kape muna sila bago kumain ng almusal
Dahil alam ko, maliligo muna sila bago mag almusal para handa na kami umalis pagkatapos kumain
**********
Eksaktong alas kwatro, gising na halos silang lahat maliban kay Ella na natutulog pa din sa silid ni Lola Maria, nakita niya na naka naka handa na ang mga gamit ng mga ito na inilapag sa may sala
"Kakain ba muna kayo o maliligo muna?," tanong ni Lola Maria
"Maliligo po muna kami sa poso, Lola," ani ni Kevin,"Para sa banyo naman ang mga kasama namin,"
"O siya sige, bilisan niyo na," ani ng matanda sa tatlo
"Opo," tugon ni Kevin
Naabutan nila na nasa poso si Yuri, inaayos ang mga timbang may lamang tubig
"Ipapasok ba ito sa loob?," tanong ni Khael sa kanya
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...