A/N: Last three Chapters nalang po at matatapos na iyong Season 02
So kapit kapit na po tayo hiling tatlong Chapter, baka bukas ay matatapos ko na po
Maraming Salamat po
**********oo**********
Nang makalabas siya ng lagusan ay kaagad niyang pinuntahan ang kaharian na nasa kanang bahagi niya
Alam niya na iyon ang kaharian nila Apollo, dahil malapit lang iyon sa lagusan na kanyang kinatatayuan
Kaagad siyang tumakbo papunta doon para makaharap ang taong pumatay sa kanyang Lola Maria
Ilang sandali pa lang siyang nakakalayo ay mag biglang sumulpit na matanda na karga ang natutulog na si Fhino, doon sila dumaan sa lihim na lagusan na sila tanging silang dalawa lang ng bata ang nakakalam
Mabilis at halos sigurado ang mga hakbang niya, nasa labas na siya ng palasyo ni Apollo
Nakahanda naman sa bungad ang mga aswang para sa pagdating nila Khael, ang mga kaibigan nito kasama ang mga aswa at mga bampira na handa ng lumaban ng patayan, ngayong wala na si Serafino
Agad siyang umakyat sa isang puno, medyo may kababaan ang pader doon kaya agad siyang nakapasok ng walang nakakapansin sa kanya
Tumakbo siya papasok sa loob habang palingon lingon sa buong kapaligiran
Nang mga sandaling iyon ay nakaupo naman sa trono si Apollo at nakapikit, hinihintay ang pagdating ng kanyang pinsan
Nagmulat lamang ito ng matan ng may tumamang patalim sa kanyang tiyan, bumaon iyon at agad n dumugo
Napatingin siya sa naghagis ng patalim na iyon, nakita niya si Yuri na galit na galit sa kanya
"Sabi ko na nga ba at pupuntahan mo ako dito, aking Reyna," nakangisi nitong sabi sa kanya
"Hayop ka!," sigaw niya,"Bakit pati ang lola ko pinakialaman mo!!,"
"Pinagbayad ko lang naman siya sa pagkakapatay niya sa aking ina at kapatid," sagot nito na tumayo na at dahan dahang lumalapit sa kanya
"Dapat lang silang mamatay!," sigaw niya,"Mga kampon kayo ng demonyo! Mga walang puso!,"
Natawa nalang si Apollo sa mga sinasabi niya, kaya mabilis siyang kumilos para ihampas ang buntot ng pagi, sabay saboy ng banal na langis na hinaluan ng asin
"Aaahhhh!!!," sigaw ni Apollo ng matamaan niya ito sa mukha, lumatay iyon kaya halos lumuwa ang isa nitong mata
Nahati din ang labi nito sanhi para lalong umalab sa galit si Apollo
Bigla itong nawala kaya nanlaki ang kanyang mga mata,
Napabuga nalang siya ng dugo ng makitang lumusot sa kanyang tiyan ang kamay nitong may mahahabang kuko at napakatulis
Bumagsak siya sa marmol na sahig habang nakapikit
Malapad naman ang pagkakangiti ni Apollo sabay balik sa trono nito
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...