Chapter 67

688 69 3
                                    

**********oo**********


Yuri Liegh's POV

Maghapon kaming naging abala sa paghahasa at paghahanda sa pagsunod namin kina Khael sa kanilang kaharian

Nag ensayo na din ang ilang mga kaibigan ko sa pakikipaglaban at s amga bagong istilo para maging mas malakas sila sa pakikipagharapa sa ibat ibang uri ng elementong aming makakasagupa

Habang sila ay abala naman sa kanilang mga sandata, ako naman ay abala sa pagkakabisado ng mga uri ng dasal at orasyon

Lalo na iyong ginamit ko sa mga Manggar, kailangang makabisado ko na iyon para napalapakas ang aking katawan

Alam kong maaari ko iyong ikapahamak o sa tamang salita ay ikamatay, pero nakahanda na ako sa maaaring mangyari sa akin

Ang mahalaga lang ay magtagumpay kaming lahat sa labanang iyon

Nakahanda na din ang buong Sitio sa maaaring paglusob ng mga aswang na inutusan nila Apollo

Maging ang ilang Baryo, Sitio at mga karatig Probinsiya, alam kung nakahanda na sila sa digmaang ito

"Handa na ba kayo?," tanong ko sa kanila habang kumakain ng hapunan

"Oo," kuro nila

"Mag iingat kayo," paalala nina Nanay Alfie sa amin,"Bumalik kayo ng buo at sama sama,"

"Ipagluluto namin kayo ng masarap na agahan, tanghalian o hapunan," ani naman ni Tatay Carlos sa amin,"Isama niyo din si Khael ha?,"

"Opo," sagot ko,"Lola Maria, anong plano mo?,"

Hindi kumibo si Lola Maria sa tanong ko, kaya alam kog may pinaplano ito

"Sasamahan ko sila dito," ngiting sagot niya sa akin, pero nakikita mong may pinaplano siya,

Kinakabahan ako sa katahimikang ginagawa ng aking Lola, ayaw kong mawala siya sa akin, siya nalang ang nag iisang kasama ko sa buhay kahit na may mga kamag anakan pa ako

Ayaw kong mamatay ang aking Lola, hindi ko kakayanin na mamatay at mawala siya sa akin

"Huwag kang mag alaala," ani ni Nanay Alfie,"Babantayan namin si Lola Maria,"

Tumango nalang ako habang tinititigan siya, hindi niya napapansin ang mga tingin ko dahil malalim ang kanyang iniisip

Matapos kaming makapaghapunan ay nagpahinga lang kami sandali bago ipinagpatuloy ang pag aayos ng aming mga gamit

**********

Matapos nilang maihanda ang mga gagamitin ay naupo lang sila habag naghihintay ng tamang oras para umalis at pumunta sa lagusan

Nasa ganoon silang senaryo ng may kumatok sa kanilang pintuan

Nagkatinginan silang lahat maging ang tatlong matandang kasama nila

"Lola Maria, Nanay Alfie si Martha po ito," tawag at pagpapakilala ng nasa labas,"Kasama ko po sina JC at Jen,"

Kaagad ma tumayo si Lola Maria at tinungo ang pintuan, binuksan nito at nakita ang tatlong kabataan

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon