Chapter 68

727 71 14
                                    

**********oo**********

Kaagad naman binalikan ni Gudo ang tatlo, pero laking dismaya niya ng wala pa ding malay ang mga iyon

Naghanap siya ng maaaring gawin para magising ang mga iyon, dahil alam niya na nag uumpisa ng maglakbay sila Haring Serafino patungo sa kaharian nila Greg

Iniwanan muna niya ang tatlo at pumunta sa looban ng kagubatan para maghanap ng halamang gamot para maipaamoy sa tatlo

Sinigurado muna niya ang kalagayan ng mga iyon at ang buong paligid para ligtas ang mga ito

**********

"Mauna kana, Ama," ani ni Apollo sa ama niya habang naghahanda na sa pag alis sa kanilang kaharian

"At bakit?," takang tanong nito

"Susunod nalang ako,"tugon niya,"May kailangan lang akong tapusin at pagbayarin,"

"Sino at saan ka pupunta?,"

"Sa mundo ng mga tao," sagot niya,"Magsasama ako ng mga aswang at ang ilan na nandoon nakatira ay uutusan kong lumusob na din,"

Tumango lang ito bilang pagsang ayon sa kanya

"Sa lagusan ka ba dadaan?," tanong nito,"Iyon lang ang lagusan papunta doon,"

"Oo," sabay buka ng mga pakpak nito at lumipad na matapos senyasan amg ilang mga aswang na nakahiwalay sa hukbo ni Haring Serafino

Sinenyasan nito na sumunod sa lagusan para pumunta sa mundo ng mga tao, kaya kaagad silamg sumunod sa kanilang Prinsipe

Nakasuot ng mga makakapag na kasuotan ang mga aswang na nasa anyong tao at hayop para hindi sila maapektuhan masyado ng orasyon na nasa loob ng lagusan

Binigyan naman sila ng proteksiyon ni Apollo kaya parang halos balewala lang sa kanila ang pagpasok doon

May nararamdaman man silang sakit pero hindi na nila ininda ang mga iyon, parang tusok nalang ng karayon ang nararamdaman nila

Kaya lalo silang naging mabangis ng makalabas sila ng lagusan, tamang tama dahil ng mg orsa na iyon ay wala pa ang grupo nila Yuri kaya hindi nila nakasalubong ang mga aswang na umabot sa dalawang libo ang bilang at si Apollo

Lumipad kaagad si Apollo paitaas para sundan siya ng mga aswang nanakahanda na at nakapagpalit na ng mga anyo

Tumakbo at lumipad ang ilang mga aswang pasunod kay Apollo, mabilisan ang kanilang ginawang pagkilos para makarating kaagad sa Sitio Kilabot

Ang ilang naman ay inutusan ni Apollo na sunduin ang ilang mga kakampi paea maghasik ng lagim sa buong Sitio at sa mga karatig nito

Sa kinalalagyan naman ng mag kakaibigan ay nakita nila ang mga aswang nalumilipad na nakasunod sa isa pang nilalang

Hindi nila alam na si Apollo iyon, kaya nakaramdam sila ng kaba para sa mga naiwan nila sa Sitio

"Bilisan na natin," ani ni Kevin, patakbo na nilang tinungo ang daan papunta sa lagusan

Sa kabilang daanan naman doon dumaan ang napakaraming aswang kaya hindi nila iyon nasalubong

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon