Chapter 20

959 79 15
                                    


**********oo**********

"Kailan niyo balak umalis?," tanong ni Lola Maria,"May sampung araw pa bago ang kabilugan ng buwan,"

"Pagkatapos po ng pananghalian, Lola," ani ni Khael,"Para makapag plano kami bago tumapak sa lugar ng mga Manggar,"

"Tatlong baryo ang madadaanan ninyo, bago kayo makarating sa mismong Baryo nila," sabi pa ulet ni Lola Maria

"Ano ano po ang mga Baryong iyon, Lola?," tanong ni Yuri,"Mapanganib po ba ang mga iyon?,"

"Sasabihin ko sa inyo ang mga Baryong iyon,"sagot nito,"Pero wala muna magtatanong sa inyo,"

"Oh sige po," kuro nila

"Oh siya sige," napabugtong hininga pa ang matanda,"Ang unang baryo ay tinatawag na Baryo Banal, ang ikalawa at Baryo Tiktikan at ang pinakahuling baryo na ang kasunid ay ang bayo ng mga Manggar ay ang Baryo Dagit,"

Napatango naman sila bago iniisip ang mga Baryong sinabi ng matanda sa kanila

"Ang unang baryo, ang Baryo Banal," sabi nito,"Lahat ng tao doon ay halos naniniwala sa Diyos, kaya tinawag na Baryo Banal, lahat ay natatakot magkasala kaya bago kayo makapasok doon ay kakailanganin niyo ito," sabay abot ng nasa isang bag

Agad naman iyon binuksan ni Nena sabay abot ng tig iisang palstik sa mga kasama nila

"Kakailanganin niyo iyan,"napangiti si Lola Maria sa itsura ng mga kaibigan ng kanyang apo ng makita ang mga nasa loob ng plastik na iniabot ni Nena

"Magpa Pari po kami?," kuro na tanong nina Kevin at Bryan

"Kami magma Madre?," ganoon din sina Aira at Trina

"Kayong dalawa ay mga seminarista at ganoon din kayo," turo sa apat

"Si Khael ang magiging Pari," ani ni Yuri na napapangiti nalang,"Si Sister Janelle siya ang magiging Madre Suprema at kami ay sina Sister Nena at Sister Yuri," sabay tawa niya

Napapailing nalang si Lola Maria sa sinabi ng kanyang apo

"Lola," ani ni Yuri,"Paano po kapag nagkasala ang isa sa kanila?,"

"Pinapatay nila," sagot ni Lola Maria sa apo,"Pinupugutan ng ulo, binibitay at binibilad sa araw hanggang sa mamatay,"

"Hindi po ba mga banal sila?," may pagtatakang tanong ni Aira,"Bakit ganoon ang kanilang mga parusa sa mga nagkasala?,"

"Dahil ang kasalanan ay gawa ng Demonyo at ang pagpapataw ng kamatayan ang tanging makakapagligtas sa kanila sa dagat dagatang apoy, iyon ang kanilang paniniwala,"paliwanag pa ni Lola Maria

"Kaya kayong dalawa," turo ni Sister Janelle sa kanila ni Khael,"Bawala ang lambingan, holding hands at walang kiss,"

Napapakamot nalang sa ulo si Khael na nakatingin kay Yuri na inaasar pa siya

"Dahil pugot ulo, bitay at bilad sa araw ang kaparusahan niyo" dagdag pa ni Sister Janelle,"At isa pa Pari ka Khael at Madre ka Leigh, kaya bawala iyon," matapos iyon sabihin at nagkatawanan nalang silang lahat

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon