**********oo**********Kanya kanya na sila ng nilalabanan habang ganoon din si Khael, halos inubos na muna niyo ang mga lumilipad dahil alam nitong dehado ang kanyang mga kaibigan
Nang maubos niya ang mga ibong itim, siya na ang humarap sa grupo nila Inang Banang na halos wala pang natutumba sa mga iyon
"Khael, baka pwede ikaw na sa mga asong itim?," ani ni Kevin na hinihingal na at puro dugo na ang kasuotan nito
"Nahihirapan kami sa kanila," ani pa ni Trina na may mga galos na din sa mga braso at hita
Tumango nalamg siya at agad na sinugod ang mga itim na aso na halos nasa dalawampu ang bilang ng mga iton
Sabay sabay na sumugod ang mga asong itim kay Khael
May sumakmal sa mga braso niya, sa magkabilaang hita, sa likuran niya at maging sa kanyang leeg
Pinaghahagis niya ang mga iyon ng madakma, ang ilan ay kinagat para mahiwalay ang ulo sa leeg ng mga iyon habang ang ilan ay inaapakan niya sa ulo para mamatay
Dinudukot ang puso at kakainin kung nagkakasugat siya para mabilis iyong humilom at manumbalik kaagad ang kanyang lakas para makalaban ulet
Matagal humilom ang kanyang mga sugat at kagat kapag hindi siya nakakakain ng puso ng mga aswang na kanyang napapatay
Napapagod din siya dahil doon kaya kahit ayaw niya at labag sa kooban niya ay kinakain niya ang mga iyon
Dahilan nalang niya ay masasama naman ang kanyang pinapatay at kinakain kaya halos nakasanayan na niya ang ganoon
Panay naman ay hampas ng buntot ng pagi ng apat sa mga kalaban nila, saboy ng asin na may kasamang bawang at mga buto ng kalamansi na binilad sa araw bago dinikdik ng pino
Halos umusok ang katawan at mukha ng mga aswang kapag natatamaan ng mga isinasaboy nila sa mga iyon
Ang paghampas at tama ng buntot ng pagi sa katawan nila ay nagkakaroon ng mahabang latay na umuusok at halos malalim na sugat ang natatamo nila
"Heto ang bagay sayo," inis na sabi ni Aira sa isa sa mga dalagang nakatira sa bahay ng matanda
Agad niyang inihampas ang sanga ng kalamansi na may mga tinik sa katawan nito
Halos mabingi sila sa tindi ng atungal nito, pagulong gulong sa lupa habang namilipit sa sakit na nararamdamab
Halos maligo na din ito sa dugo na nagmumula sa mga sugat na halos hindi tigilan ni Aira sa kakahampas ng sanga ng kalamansi
At bawat tinik ng sanga ng kalamansi na bumabaon sa katawan nito ay halos ikamatay na nito dahil sa tindi ng sakit at hapdi
"Iyan lang pala ang katapat mo," ani ni Aira ng makitang naghihingalo na iyon na tila nagmamakaawa pa sa kanya na tigilan na ang paghampas,"Heto nalang," sabay buhos ng asin sa mga sugat nito
Pumalahaw iyon ng iyak, atungal at kung ano anong ingay ang lumalabas sa bibig nito
Nandoong papalit palit iyon ng kaanyuan, may sa aso, puso, baboy at sa pagiging tao
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...