**********oo**********
Alas Otso ng Gabi
Tahimik na ang buong Baryo Banal ng mga sandaling iyon, kahit na maaga pa ay parang alas dose na ng hating gabi na walang kaingay ingay kahit mga alagang aso
Na hindi man lang umaalulong o lumilikha ng kahit anong ingay, na tila takot na takot, pati mga pusa ay wala ng gumagala
Kahit ang mga insekto ay wala man lang madinig na kahit ano,
Ang mga tao naman ay nasa isang lugar lang ng kanilang bahay na mag kakasama, nagdarasal at halos ayaw nilang gumawa ng kahit ano mang ingay o kaluskos
Ang mga bata naman ay nasa isang tabi lang ng mga iyon na natutulog habang binabantayan
Samantala sa bahay nila Isabel,
"Aalis na po kami," paalam naman nila Khael,"Aabangan po namin sila sa sementeryo,"
"Wag na kayo lumabas," awat naman naman ni Tiyo Fred,"Mapapahamak lang kayo,"
"Mas mapapahamak po tayong lahat dito kung wala pong kikilos at lalaban sa mga iyon," ani naman ni Kevin
"Wag po kayo mag alala," tugon ni Nena,"Kami na pong bahala,"
"Pasensiya na kayo," ani ng Ginang,"Kung di niyo kami tinulungan wala sanang ganitong mangyayari," napayuko pa ito
"Hindi niyo po ito kasalanan," sagot ni Janelle,"Tama lang po iyon at saka dapat na po talaga na matigil ang kaguluhan dito,"
"Basta mag iingat kayo," pahabol pa ng Ginang sa kanila, naoatango nalang sila sa mga iyon bago nagpaalam s amga ito
Napatango lang ang mag asawa nga magpaalam sila at isinusukbit na nila ang kani kanilang mga gamit at bag
Matapos makalabas ang pito ay agad na sinirado ng mag asawa ang pintuan
Hinarangan ng kung anu anong mabibigat na kagamitan para lang hindi iyon mabuksan at hindi makapasok ang sinumang dadalaw sa kanila ng gabing iyon
Ang pitong magkakaibigan naman ay mabilis na naglakad papunta sa sementeryo pero nakikiramdam sila sa kapaligiran
Pinatalas nila ang kanilang pakiramdam at ang kanilang pandinig lalo na si Khael
"Malapit na sila," bulong ni Khael,"Bilisan natin ang paglalakad at baka maunahan nila tayo,"
"Sige," tugon nila sabay takbo ng mabilis papunta sa sementeryo
"Magdalawang grupo tayo," suhestiyon ni Kevin,"Kami nina Aira at Nena,"
"Kayo naman Bryan isama mo sina Tita at Trina," utis niya,"Ako na ang bahala sa sarili mo,"
"Mag iingat ka, Khael," pag aalalang sambit ni Janelle
"Kayo din po Tita at kayong lahat," ani niya sabay takbo palihis sa mga dinadaanan ng anim
Naghati na sila sa dalawang grupo bago nagpunta sa sementeryo, nasa kanan naman pumunta sina Kevin at sa kaliwa sina Bryan
Nang makarating sila sa sementeryo ay nagtago kaagad sila sa mga nitso na hindi gaano pansinin ng sinuman
Lalo na dahil sa napakadilim ng nga oras na iyon, kahit liwanag ng bituin ay wala silang makikita
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
TerrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...