**********oo**********
"Tara na," yaya ni Khael sa dalawang kaibigan,"Maiwan nalang kayo," saway niya kina Aira at Trina na akmang sasama sa kanila,"Paki bantay nalang sina Nanay,""Sige," kuro ng dalawa
"Tara na," pagyayaya ni Kevin na nauna ng lumabas
Agad silang sumunod sa kaibigan, isinarado naman ng maigi ni Tatay Carlos ang pintuan at hinarangan
Nilagyan din ng kung anu anong pangontra laban sa mga aswang
"Saan tayo?," tanong ni Aira na nakaupo sa mahabang upuan at nakapwesto sila sa sala ng bahay
"Dito nalang tayo," tugon naman ni Nena,"Maghanda nalang tayo sa maaaring mangyari,"
Napabuga nalang sila ng hangin, hbang ang mag asawa at ang binatilyo ay nasa kusina, inaayos at inililigpit ang mga kalat
**********
Dahan dahan naman na naglalakad ang tatlo at nakikiramdam sa buong kapaligiran
"Ang dilim naman," angal ni Bryan
"Ssshhhhh," mahabang senyas at saway niya sa dalawa na sasagot pa sana si Kevin
Nagkatinginan ang dalawa sabay tingin kay Khael
Magtatanong pa sana ang dalawa ng may ituro sa unahan nila ang kaibigan nila
Napakunot noo pa sila ng hindi maaninag ang kung anong itinuturo niya sa mga iyon
Ilang sandali pa ay halos malaglag ang panga nila ang makita kung ano ang mga iyon
Gumagapang na naglalakad ang mga iyon ng pabaliktad, nauuna ang puwetan s apag abante habang ang mga ulo at mukha naman ay nasa pagitan ng kanilang mga hita
Hinila niya ang mga iyon n magtago sa isang kubo na nasa harapan nila
Sira sira na ang bubungan niyon pero maayos pa naman ang mga dingding kaya doon sila nagtago
Nakita nilang dahan dahan ang mga iyon na naglalakad o gumagapang para hindi makalikha ng mga ingay sa mga taong nasa loob ng kabahayan
Lahat ng bahay doon ay nakapatay na ang bawat ilawan, para hindi makita ng mga aswamg na may gising pa sa loob
Pero ni isa man sa mga nakatira ay walang natutulog maliban sa mga bata at matatanda na hindi kayang lumaban sa mga aswang
**********
Sitio Kulintang
"Lola," tawag ni Yuri ng magising sa kalaliman ng gabi, kaagad siyang bumangon para uminom
Napakunot noo siya ng makita sina Lola Maria at Ella na nakasilip sa siwang ng bintana at tila hind siya nadinig ng mga iyon
Kaya tumayo soya at dahan dahan na nilapitan ang dalawa
"Anong mayroon?," tanong niya, nilingon lang siya ng dalawa at suminyas na wag siya maingay
![](https://img.wattpad.com/cover/274422236-288-k258085.jpg)
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...