**********oo**********Namangha sila dahil sa biglaang pagkamatay ng punong Arguas ng magtagumpay si Khael na mapasa kanya ang kapangyarihan niyon
Kaagad na nilabanan naman ni Khael ang mga aswang na nasa harapan nila
Gulat na gulat sila dahil hindi na nakitang naging aswang si Khael, nasa anyong tao na ito pero nagtataglay pa din ito ng matatalas na kuko na kayang bumutas ng katawan ng mga aswang
"Khael, si Yuri!," sigaw ni Aira ng makitang natumba na ang kaibigan nila at wala na itong malay
"Kunin niyo na siya at dalhin dito," utos ni Khael kina Kevin at Bryan na kaagad nilapitan ang nakahigang dalaga na halos pumula na ang mukha nito dahil sa dugo na magmumula sa ilong at bibig nito
Agad naman na binuhat nina Kevin at Bryan ang dalaga habang dala naman nina Aira ang gamit ni Yuri
Pinuwesto nila itong paupo sa katawan ng puno, pinunasan naman ni Janelle at Nena ang buong mukha ng kaibigan na puro dugo at lupa
Samantala si Khael naman ay pinagpatuloy naman nito ang pagpatay sa mga aswang na papasugod sa kanila
Doon lang din siya pumuwesto malapit sa may puno kung nasaan nakapwesto ang mga kaibigan nila lalo na si Yuri na hanggang ngayon ay wala pa ding malay
"Kailangan na natin madala si Leigh kay Lola Luciana!," sigaw ni Sister Janelle,"Mahina ang ang pulso niya!,"
Nilingon ni Khael ang tiyahin na sumigaw habang patuloy na pinupunasan ang mga dugo sa ilong at tainga nito, wala na din dugo na nagmumula sa bibig nito
"Bantayan niyo siya maigi!," sigaw ni Khael,"Tatapusin ko na ang mga nasa harapan natin at aalis na tayo!," bilin nito
"Oo," tugon ng mga ito na tinulungan na siya sa paglaban sa mga aswang na papalapit na ng papalapit ng papalapit sa kanila
Wala na din ang isang Manggar na nagsasagawa ng orasyon, nakita nila na pinagtulungan ng ilang babaing Manggar na ilayo iyon doon dahil nanghihina na din ito
Kaya naman laking tuwa nila dahil puro aswang nalang ang kanilang kakalabanin at hindi na ang katulad nitong may kakayahan katulad ni Yuri
**********
Matapos matanggap ni Apollo ang kakayahan at kapangyarihan na ipinagkaloob ng pitong Prinsipe ng Impyerno ay naghasik na kaagad ito ng takot at lagim sa nasasakupan nilang kaharian maging sa mga karatig bayan ng mga nananahimik na aswang
Kahit sa kaharian nila Greg ay naghasik din ito ng takot sa mga bampira na solidong naniniwala pa din kina Kharry at Mayumi
Kahit na si Greg ang nagha Hari ng mga panahong iyon, wala sila nagawa kundi ang magtago at umiwas sa kalupitan ni Apollo
"Sana makabalik na kaagad sila," dalangin ni Mayumi habang nakatingin sa mga nasasakupan nila na nagtatago
"Napakalupit niya," ani ng dalagang anak ni Greg na siyang mapapangasawa ni Apollo na si Mhiya,"Ayaw ko sa kanya,"
"Hindi mangyayari na magiging kabiyak mo siya," ani ni Mayumi,"Gagawa kami ng paraan lalo na ang mag ama ko,"
"Ina, ayaw ko sa kanya," umiiling na umiiyak na sambit ni Mhiya

BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
HorrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...