**********oo**********Kinabukasan
Nagulantang ang lahat lalo na ang pito ng makauwi sila sa Sitio Albana, sa sumalubong pa lang sa kanila sa arko ay kinilabitan na kaagad sila sa mga nakita nila
May pitong bangkay na nakasabit sa arko ng Sitio, sa magkabilaang poste ay may apat na nakatayo pero wakwak na ang mga katawa ng mga iyon
Nakaluwa ang mga lamang loob at ang mga mata ay nakabitin sa lagayan niyon
Hindi na napigilan pa ng apat na babae ang magduduwal dahil sa nakita at sa pandidiri
"Mas malala yata ito kaysa doon sa Sitio Banawag," ani ni Aira na pinupunasan ang magkabilaang bibig na may tubig
"Anong nangyari dito?,"bulalas naman ni Sister Janelle,"Parang dinaanan ng delubyo ang lugar natin," sambit pa nito habang papasok sila sa loob ng Sitio
Dahan dahan lang ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Bryan para makita nila ang buong paligid at makahanap ng makakausap
Pero nagtataka sila dahil wala ni isa mang tao ang nasa labas ng bahay ng mga sandaling iyon
Nagmistulang abandonadong lugar ang kanilang Sitio
Nagkalat ang mga dugo sa kalsada, mga pira pirasong katawan ng tao at hayop
Mga ilang bangkay na inililigpit ng nakita nilang tauhan ng kanilang Kapitan n nasa di kalayuan
Sampung katao lang ang nakita nila habang papasok sila ng Sitio, huminto sila ng mapatapat sa mismong kinatatayuan ng kanilang Kapitan del Baryo
"Kap, magandang umaga," bati nila ng makababa at ihinto ang sasakyan sa mismong tapat ng mga iyon
"Magang umaga sa inyong pito," bati nito sabay tingin sa kanila
"Kap, ano pong nanyari dito kagabi?," may pagtatakang tanong ni Khael sa kaharap
"Wala ba kayo kagabi?,"
"Wala po," tugon ni Kevin,"Nasa kabilang Sitio po kami,"
Napabuga lang ito ng hangin, bago isinuksok sa bulsa ng suot na pantalon ang dalawang kamay
"Kagabi," umpisa nito,"Niluson ang Baryo natin ng napakaraming tiktik, na halos maubos kaming lahat dito,"
Nagkatinginan silang pito sa nalaman mula sa kanilang Kapitan
"Kita niyo nga," sabay lahad ng mga kamay sa daanan at sa bawat kabahayan,"Ni isa walang mau balak.limabas kahit na katirikan ng araw? Lahat ay binalot ng takot at sindak ngayon, iniisip nila na baka bumalik ang mga tiktik kahit na may araw, kaya kami nalang ang maglilinis ng mga kalat,"
"Tutulong na po kami," prisenta ni Khael sa Kapitan
"Salamat naman," nakahinga naman ito ng maluwag dahil may makakatulong na silang sampu sa paglilinid at pag aalis ng mga nagkalat na bangkay
Halos inabot sila ng hapon pero hindi pa din nila natapos linisin at ilibing ang mga namatay
"Umuwi na kayo," paalala ni Kapitan sa lahat,"Alas kwatro na, maghanda na kayo sa mga bahay niyo, salamat sa inyo," baling sa kanilang pito
BINABASA MO ANG
Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)
TerrorHalina at samahan po natin ang buhay at pag ibig ng ating Mahal na Prinsipe na si Khael Moon Kaya abangan po natin ang kanilang pakikipaglaban sa kanyang mga kalahi Lalo na sa kanyang tiyuhin na si Haring Serafino at sa kanyang mga pinsan Abangan ku...