Chapter 55

714 70 4
                                    


**********oo**********

Samantala,

"Nagtagumpay ang mahal na Prinsipe na makuha ang mutya ng bulaklak ng Arguas," nakangiting sambit ni Lola Maria,"Pati ang kapangyarihan nito ay nakuha niya na din,"

"Hay salamat naman kung ganoon," sambit ni Nanay Alfie na napapangiti

Napangiti at napatango lang din sina Haring Kharry, tatay Catlos at Gudo, dahil sa tagumpay na natamo ng mga iyon

"Pero," ani ni Lola Maria na nalungkot bigla

"Pero ano po, Lola Maria?,"tanong naman ni Tatay Carlos na may pag aalala sa mukha nito

"Muntikan ng mapahamak ang api ko," sambit nito,"Gumamit siya ng orasyon na ang tanging makakagawa lang ay ang mga bihisa sa ganoong larangan,"

"Paano mo nalalaman iyan?," takang tanong ni Haring Kharry

"Dahil sa gabay po niya, Kamahalan," sagot naman ni Gudo,"Kamusta po sila? Paumanhin Lola Maria at wala ako sa tabi ng iyong apo para gabayan siya at protektahan,"

Umiling lang si Lola Maria sa sinabi ni Gudo

"Tapos na ang pagiging gabay mo sa kanya," sabi nito,"Ngayong natutunan na niya ang mga orasyon at dasal na itinuro sa kanya ng kung sinuman ay may bago na siyang gabay,"

"Pero paano po ako?," takang tanong ni Gudo,"Hindi po iyon maaari Lola Maria, dahil simula po ng isilang siya ay ako na ang gabay niya? Mapapahamak ako s aking amang Hari,"

"Wala na tayomg magagawa doon," malungkot na saad ni Lola Maria,"Kaliwa ang kanyang gamit kaya hindi ka nababagay sa mga ganoong katauhan, kung gagamitin niya sa kasamaan ay mapapahamak at maari mo din iyon ikamatay,"

"Mabuting tao si Yuri," ani ni Nanay Alfie,"Kaya hindi ka mapapahamak Gudo," payo nito na ngumiti,"Sundin mo ang puso mo at tupatin ang iyong misyon para sa kanya,"

Napatango din si Lola Maria maging ang mga kasama nila doon

"Kailan sila darating?," tanong ni Kharry sa kanila

"Tatlo o hanggang apat na araw," sagot ni Lola Maria

"Sa ikalimang araw na po tayo makakauwi," ani ni Gudo sa Hari

"Hindi maaari," sagot ni Kharry,"Dahil sa ikalimang araw nakatakda ang pag iisang dibdib ng anak ni Greg at ni Apollo, pagkatapos niyon ay ipapakilala na itong tagapagmana at nag iisang Prinsipe ng aming lahi,"mahabang paliwanag nito sa kanila

"Wala po tayong magagawa," sagot ni Lola Maria,"Kailangan nilang magtagal doon para makapagpahinga at maihanda ang katawan ng ating Prinsipe,"

Napabuga nalang ng hininga si Haring Kharry dahil sa nalaman nito, wala na siyang magagawa para isalba ang panganay na anak ni Greg sa kamay ni Apollo

**********

Nang makitang natatalo na ni Khael at ng ilang kaibigan niya ang mga kalahi ng mga aswang na nasa harapan ng mga ito ay nagpasya ng umatras ang mga iyon lalo na ang dalawang matandang Manggar na may alam din sa itim na orasyon

Khael Moon: Ang Prinsipe ng mga Aswang Season 02(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon