Chapter 2

765 21 2
                                    

YUI

Dy....

Kasi naman eh! Kung kailang kinalimutan ko na siya tsaka ko pa maaalala at mapapanaginipan. May pa-promise promise pang nalalaman, tang-na-juice!

"So, tell me. Why are you crying?" Seryosong tanong niya.

Gusto kong sabihin pero ayoko nga! "Secret."

He just sighed, "Fine."

Fine? May kanta ko diyan eh. Wait, ehem ehem mic test mic test.

~Fine fine de sarapen umasa kang mahal karen how how de karabaw mahal niya hindi ikaw~

Napatawa na lang ako sa isip ko dahil sa sarili kong kalokohan.

"Why are you laughing?" Kunot-noong tanong ni Kaius kaya narealize ko na hindi pala ako sa isip ko tumawa, literal palang tumawa talaga ako.

Nag-peace sign na lang ako sa kanya. I noticed na kaming dalawa lang ang nasa classroom kaya hindi ko napigilang magtanong.

"Where are the others? Bakit tayo na lang dalawa dito?" Kaya buti na lang pala walang nakapansin ng sigaw ko kanina, para akong baliw don kung ganon.

"It's lunch time. They are on the cafe." Napatingin naman ako sa wrist watch ko at lunch time na nga. Ang haba pala ng tulog ko, ayan Jackie Chan pa more!

"How about you? Did you eat already?" Kasi nga dapat diba kasama siya ng mga classmate namin dun sa cafeteria.

"Not yet." He shortly answered.

"Why?"

"Obviously, I'm waiting you. Binabantayan kita." Ahh, hotdog.

"Dapat hindi mo na ako hinintay, kumain ka na dapat hays. Baka nagugutom ka na kanina pa? Kaya ko naman dito mag-isa eh." Kalmadong sabi ko nakita ko naman kung paano lumambot yung ekspresyon ng mukha niya.

"But-" I cutted him.

"Lika na nga, kain na tayo baka malipasan ka pa ng gutom." Nakangiting sabi ko sabay hila sa kaniya.

Di naman na siya umimik kaya naglakad na lang kami ng sabay. Habang naglalakad kami sa hallway marami ang napapatingin samin tapos bubulong. Mga bee-lat!

"Ang ganda nya."

"She's like a barbie doll."

"Kyaaah! Ang cute ng transferee!"

"Woahh, liligawan ko yan."

"Bro, ang sexy ng transferee."

"Hehe oo nga halatang di mapapasayo."

"Aba! Gago ka ah!"

"Gosh! She's so malandi. Attention seeker."

"Kebago-bago lumalandi na."

"Why does my baby Kaius is with that ugly transferee? That bitch!"

Tsk! I don't need their opinion. Napaka-clichè naman ng chismisan nila.

Di na lang namin sila pinansin at nagtungo na sa cafeteria. Pagkapasok namin sa loob, all eyes are on us again uh! Agad na hinanap ng mata ko si Red. They are all eating on the long table, in the center.

"KUYAAA REEEEDDD!!" I shouted kaya may mga napapalingon sakin. Oops! Hehe.

I ran towards him at naupo sa tabi niya.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon