"Magbebenta ng shabu." Parang adik na sagot ko kaya pinitik niya ang noo ko.
"Seriously? What are we doing here?" Tanong niya ulit.
Bago ako sumagot ay napatingin muna ako kay Daryl. Kaya naman pala tahimik, busy sa paghahanap ng chix. Tsk. Tsk.
"Kakain tayo." Tanging sagot ko tsaka naglakad papunta sa nagtitinda ng street foods. Ramdam kong sumunod naman sila sakin
"Hello Barron! May kwek kwek pa?" Tanong ko dito. Kilala ko siya dahil pag pumupunta ako dito, dito ko lagi bumibili. Mas masarap kasi ang luto niya.
"Marami pa diyan, kuha ka lang." Sagot niya tsaka ngumiti. Napangiti rin ako. Kwek kwek babies, here i come!
"Kukuha lang, di na babayaran?" Pabirong tanong ko tsaka tumusok tusok ng kwek kwek.
"Babayaran mo of course, sa panahon ngayon wala ng libre libre hahaha!"
Kumuha ako ng pera sa wallet ko tsaka inabot sa kanya.
"Hindi ka ba nagsasawa sa kwek kwek? Tuwing punta mo dito yan binibili mo ah." Natatawang sabi niya kaya umiling ako. Hinding hindi ako magsasawa sa mga babies ko. Ang sarap kaya nila, at ang cu-cute pa.
"What's that?"
Napatingin ako kay Kaius ng itanong niya iyon.
"Oo nga Yui, kwak kwak ba yan?" Inosenteng tanong ni Daryl kaya nabatukan ko siya.
"Anong kwak kwak? Kwek kwek yan abno." Pagtatama ko bago sumubo.
"Pek pek?"
Naibuga ko ang kinakain ko dahil sa tanong ni Kaius. Tangina!
Rinig ko ang pagtawa ni Barron dahil sa kababalaghan na lumabas sa bibig ni Kaius.
"Kwek kwek sabi." Umuubong saad ko pero mukhang nagtataka pa rin sila. Saang mundo ba galing ang mga to?
"Sino boylet mo dyan sa dalawa, Yui?" Tanong ni Barron kaya bumaling ang tingin ko sa kanya.
"Pareho." Tanging sagot ko na ikinasamid niya, "Charot lang. Kaibigan ko sila." Mahinang sabi ko sapat lang para marinig niya.
"What's boylet?" Takang tanong ni Kaius, "Oh! Is that the thing where we poop?" Dagdag pa niya.
Napasapo na lang ako sa noo dahil sa kinginang Kaius na to.
"Toilet yun! Hindi boylet." Buti naman ay itinama siya ni Daryl dahil baka ibenta ko ang utak niya ng wala sa oras.
Tumango na lang si Kaius bago tumingin sa kinakain ko.
"What kind of food is that? Is that even a food?" Nakangiwing tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Pagkain nga to, kakainin ko ba to kung hindi pagkain." Pabalang na sagot ko pero siya ay nakatitig lang doon.
"It didn't have a poison? M-" Di ko na pinatapos ang sasabihin niya ng sinubo ko sa kanya ang pek-- este kwek kwek.
Dahan-dahang nginuya niya yon tsaka seryosong tumingin sa akin. Sa sobrang seryoso niya ay medyo napaatras ako.
"I can't taste it, can i taste another one?" Paalam niya. Magsasalita pa sana ako pero tuluyan na niyang kinuha ang stick na hawak ko at tumusok ng kwek kwek.
Sinubo niya yon tsaka kumunot ang noo. "Ughh i can't taste it, another one." Aniya tsaka tumusok ulit at kinain. Wh---
Napatingin ako sa kanya pagkatapos ay titingin ako sa kwek kwek na hawak ko dahil sa pagpapatuloy na pagsubo niya don.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...