Chapter 13

395 20 8
                                    

Dumiretso ako sa cafeteria at hindi pa masyadong mahaba ang pila, buti na lang. Nang makaorder na ko ay naghanap ako ng mauupuan. Malawak na napangiti ako ng makita ko si pres na mag-isang kumakain.

Wala naman siyang kasama at kasabay kaya naupo ako sa tapat niyang upuan.

Hindi niya ako pinansin kaya napanguso ako. Rinig ko rin ang bulungan ng mga nasa cafe, marami rami na rin kasing pumasok.

"Bat dyan siya naupo sa table ni Pres?"

"How dare her!"

"Malandi!"

"She's really an attention seeker!"

"Lagot siya kay pres."

Di ko na lang sila pinansin dahil mga kinulang lang sila sa aruga. Ganyan ba ang epekto ng inggit?

Edi mainggit sila, pake ko sa mga yan. Nilingon ko ang mga babaeng nagbubulungan at binelatan sila. Hehe palibhasa hindi sila pinapansin ni president Kane kaya mga bitter.

"Hi pres, long time no see. Musta na? Bat ang gwapo mo pa din!" Bati ko rito habang chinecheck ang mga inorder ko. Baka may kulang, naninigurado lang.

"I'm not okay." Bored na sagot niya na ikinatingin ko sa kanya.

"Di ka okay? Bakit? May masakit ba sayo? May problema ka ba? Pres kung may pinagdadaanan ka man pwede mong sabihin sakin, wag ka lang mags-suicide!!!" Concern na tanong ko habang niyuyugyog ang balikat niya. Hindi pwedeng mamatay ang pinakagwapo kong president!

"Stupid." Malamig na sabi niya, "I'm not okay because i see your face." Napasimangot ako dahil sa klase ng sagot niya na parang ako na ang pinaka panget na nilalang sa buong kalawakan.

"You look even uglier when you frown." Komento niya kaya ipinakita ko sa kanya ang unusual killer smile ko. Unang tingin mo pa lang, sumusuka ka na ng dugo.

Char! Ang pamatay puso kong killer smile. *wink*

"Eto? Maganda na ba?" Tanong ko pero nag-iwas lang siya ng tingin. Tinamaan yan sakin, for sure.

"No. Still ugly." Sagot niya kaya sumimangot na lang ulit ako at ipinatong ang dalawang braso sa mesa. Ipinatong ko na din ang baba ko sa kamay ko.

Tinititigan ko lang siya habang siya ay kumakain.

"Pres subuan mo ko ng fries." Sabi ko habang naka-halumbaba pa rin. Bat kasi masyado siyang pinagpala sa kagwapuhan?

"Do it yourself. You have your hand."

Damot!

"Sige na, dalii naaa!" Pangungulit ko rito.

"Tsk!" Labag sa loob na sinubuan niya ko ng fries kaya nginuya ko na yon. Susubuan rin naman pala, pakipot pa.

"Isa pa." Sabi ko kaya sinubuan niya ulit ako.

#RightWayOfEatingFries

"Isa pa ulit." Di ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa dahil isinubo niya saakin ang maraming piraso ng fries kaya napacross arms ako at umayos ng upo.

Nakatingin lang ako sa kanya ng masama pero siya ay chill na nakatingin lang sakin. Inis na nginuya ko ang nasa bibig ko tsaka uminom ng coke.

"Hmp! Panget ka-bonding!" Singhal ko bago kinuha ang tray ko tsaka tumayo.

Naghanap na lang ulit ako ng mauupuan pero saktong napatingin ako sa Section Z. Kinawayan nila ko pero inirapan ko lang sila at dumiretso sa table ni Keiji. Bad trip ako kaya galit galit muna. Naupo ako sa upuan sa harap niya tsaka inilapag ang tray sa table.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon