"Ate Gi, pwedeng konti lang ilagay mong make up? Ayaw ko kasi ng makapal eh." Sabi ko at nginitian niya lang ako.
Inaayusan niya na kasi ako dahil ngayon na ang masquerade party keneme nung Kingina– este King.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako eh hindi naman ako ikakasal. Nababano na siguro talaga ako. Minake-up-an na ako ni ate Gia at light make up lang ang nilagay niya. Kita pa rin naman ang natural beauty ko.
Bat pa pala ko nag-make up eh mag-m-mask lang din naman. Ewan ko rin talaga. Pinicture-an niya muna ako para may remembrance daw. Jusmiyo may pa-remembrance pang nalaman. Ngumiti na lang ako sa cam para hindi na siya mangulit.
Inayusan niya na muna ang buhok ko at naka-lace braided bun yon na may palaylay na konting buhok sa magkabilang gilid.
"O-M-G!! Napakaganda mo baby girl!" Tili niya kaya napatakip ako sa tenga ko.
Kakasuot ko lang kasi ng gown, humarap ako sa full body mirror at napanganga ako dahil parang hindi ako to.
Charot. Ang ganda ko nga!
Well, matagal na kong maganda hehehe uwu.
"Tara na po." Aya ko tsaka binuksan ang pintuan ng condo niya. Dito niya kasi ako inayusan, ewan ko kung anong nasa isip nitong kapatid ni Ranchie na to. Pwede namang sa Z-House na lang ako ayusan. Nauna na kong pumasok sa kotse niya dahil siya yung magd-drive.
"Ang ganda mo talaga baby girl! Kung wala lang akong asawa ikaw na ang ginawa kong asawa ko." Sabi niya habang nagd-drive.
Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
"Nako ate Gia, hindi tayo talo noh." Natatawang sabi ko at tumingin tingin na lang sa dinadaanan namin.
"We're here." Sabi niya. Isinuot ko na ang masquerade mask at binuksan ang pinto ng kotse.
"Aalis na ako ah? Maiwan na kita dito, ingat." Sabi niya kaya nginitian ko na lang siya at bumaba na ng kotse. Pupunta kaya sila Ranchie?
Napatingin ako sa entrance dahil nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako hindi. Napabuga na lang ako sa hangin tsaka pumasok sa entrance.
Wow! Ang ganda dito, tsaka ang daming pa-light effects. Inilibot ko ang paningin ko at ngayon ko lang napansin na halos karamihan ng tao dito sa loob ay nakatingin sakin. Karamihan ay mukhang estudyante din kagaya ko. Syempre estudyante din naman yung may birthday.
Nagmamadali na lang akong naglakad at may nakabanggaan pa ako pero buti na lang nasalo niya ko. Umayos ako ng tayo at yumuko sa kanya sign na nags-sorry ako. Baka kasi hindi niya ko marinig dahil sa lakas ng music. Nagpatuloy na ko sa paglalakad at lumabas muna.
"Bat ba kasi pumunta pa ko dito!" Naiinis na sabi ko dahil parang wala naman ata akong kakilala dito huhuhu. Hindi ko rin sila mamukhaan dahil sa masquerade mask na suot nila.
Tinawagan ko si Ranchie at buti naman sinagot niya agad yon.
"Ranchie nasaan ka, right now?" Agad na tanong ko.
["I'm here at the masquerade party. Are you going here too?"] Tanong niya at rinig ko ang music sa background niya.
"Ahh. Hindi, tinatamad ako eh. Sige na bye na." Sagot ko tsaka pinatay ang tawag. Hehe is-surprise ko lang sila. Buti naman nandito siya.
Pumasok na ulit ako sa loob at inilibot ang paningin. Hindi ako sure kung sila Ranchie to pero parang sila na nga. Nasa unahan sila malapit sa pinaka-stage.
Lumapit ako sa kanila kaya naagaw ko ang atensyon nila.
"Boo!" Biglang sabi ko dahil nakatulala lang sila sakin.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...