YUI
"Y-yawa!" Daing ko habang nakahawak sa puson ko. Ang sakit, feeling ko gusto ko na lang ipatanggal to eh.
Kinurot ko ng mahina ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kahapon. Geez, hindi ko lang talaga mapigilang hindi maglambing sa first day of period ko. Hindi ko rin macontrol sarili ko.
Umagang umaga pinapahirapan ako tongono.
Ayaw kong pumasok, tinatamad rin akong bumangon.
"Cami? Aren't you going to get up and fix yourself? Mal-late na tayo." Sabi ni Ranchie na nakatayo sa tapat ng pintuan ko.
"Hindi ako papasok, tinatamad pa ko." Medyo malakas na sabi ko tsaka tinabunan ng unan ang mukha ko.
"Anong tinatamad? Hey lazy headed woman, stand up and we'll go to school." Rinig kong sabi niya kaya umangal ako.
"Tinatamad pa talaga ko, bukas na ko papasok pleaseee."
"No! You will go to school whether you like it or not." Maawtoridad na sabi niya.
Hindi na lang ako nagsalita at nagtulug-tulugan na lang para hindi niya na ko sermonan. Daig niya pa mga kapatid ko, hmp!
"Such a reprimanding kid." Nagulat ako ng bigla niya kong buhatin at diniretso sa bathtub.
Hindi pa ko nakakarecover ng bigla niyang i-open ang shower faucet at itinapat sa ulo ko. In-open niya na rin ang gripo sa tub para mapuno ng tubig yon.
"Do you want me to bathe you or you'll do it yourself?" Sabi niya pero nakatulala lang ako habang nilalamig sa lamig ng tubig.
Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko at naramdaman ko namang natigilan si Ranchie.
"Hey! Why are you crying?" Alalang tanong niya. Tinatanong pa.
Umiling iling ako habang humihikbi.
"A-ayokong maligo, ang lamig t-tsaka hindi ako p-papasok." Utal na sabi ko at bumaba sa mula sa bathtub. Mahinang tinulak ko muna siya palabas at isinarado ang pinto.
Nagpalit na ko ng damit at pinatuyo ang buhok gamit ang towel.
Ang lamig....
Binuksan ko na ang pinto ng cr at lumabas. Hindi pa ko nakakalapit sa kama ko ng bigla kong naramdaman ang pagkahilo. Nanlalabo na rin ang paningin ko kaya agad akong napakapit sa malapit na mesa sa tabi ko.
"Cami! Hold on!" Rinig kong sigaw ni Ranchie bago ako tuluyang mawalan ng malay.
_________
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong parang mabibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.
#Oa_spotted
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nag-adjust sa liwanag.
"God finally! You're awake."
Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Ranchie at hawak ng dalawang kamay niya ang kanang kamay ko.
"Ay hindi, di pa ako gising. Actually, tulog pa nga ako eh." Pabalang na sabi ko, pinitik niya lang ang noo ko.
"Nakuha mo pang magganyan sa lagay mong yan. I'm worried that something bad might happen on you earlier." Sabi niya habang nakatingin sakin, "It's my fault kung bakit nawalan ka ng malay kanina. I shouldn't have force you to go to school and take a bath. I'm sorry." Sincere na sabi niya tsaka hinalikan ang kamay ko na hawak niya.
Nginitian ko lang siya, "Di mo naman kasalanan, no need to say sorry."
"Does your head hurts?" Tanong niya habang nagbabalat ng apple.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...