"Reregaluhan ko siya ng expensive shampoo at suklay!" Ipinakita ko sa harap niya ang tresemme shampoo with hair comb.
I'm so smart!
"At saan niya naman gagamitin yan? Look at the guard, kalbo siya." Disappointed na sabi niya at binatukan ako.
Napatingin ako sa guard at nanlumo na naman ng makita ang 3K niyang ulo.
3K? Kalbo, Kinis, at Kintab.
"Ay sayang..." Napanguso ako.
*Ting!*
Oh my bright idea!
"Akyat na lang tayo sa bakod don sa likod ng building. May alam akong daan palabas." Suggest ko at hinawakan ang kamay niya.
Nang makarating kami sa likod ng building ay nasa harap na kami ng medyo mataas na pader.
"Are you sure that we're going to climb that wall fence?" Alalang tanong niya.
"Syempre naman. Nung grade 10 tayo lagi kaya tayong nag-oover the bakod kapag magcu-cutting classes tayo." Natatawang sabi ko.
Mahilig kaming tumakas lagi ni Ranchie para lang makagala dati. Kaya nga partner in crime kami eh.
"I still remember that. Muntik pa nga tayong mahuli ng teachers eh." Nakangiting saad niya.
I'm glad that he still remembers those funny memories.
"Buhatin mo ko pataas, Ranchie. Hindi ko kayang talunin yan eh." Itinuro ko ang mas mataas sa akin na plywood na malapit sa pader na paglalabasan namin.
Kaya naman siguro ni Ranchie na umakyat mag-isa dito mamaya dahil matangkad naman siya. 6 footer kaya ang mokong na to.
"Be careful, I'll lift you up."
Hinawakan niya ang...
ang....
ang....
ang...
"Wag ang pwet ko Ranchie!" Bulyaw ko sa kanya.
Agad niyang inalis ang kamay niya sa pwet ko at inilipat sa bewang ko. Inangat niya na ako pataas kaya napangiti ako ng makita ang ibabaw ng plywood. Nang makarating na ako sa tuktok ay nauna na akong tumalon sa pader. Ganon rin ang ginawa ni Ranchie.
Hinawakan niya ang kamay ko bago tumingin sa tatalunan namin na lupa palabas. Nagkatinginan kami at sabay na napangisi. This is what we called, same vibes.
"Haha! Mission success!" Saad ko pagkababa namin.
Nakipag-apir pa ako sa kanya bago kami naglakad. May malapit na japanese store dito kaya doon na kami dumiretso pagkalabas ng university.
"What are we doing here? I thought we're gonna buy milk tea?" Tanong niya.
Itinuro ko ang takoyaki habang kumikinang ang mata, "Bibili muna tayo ng takoyaki."
Lumapit kami doon at tsaka umorder. Sinabi ko sa tindero na babalikan na lang namin ang order namin at may pupuntahan lang kami saglit. Para habang hinihintay na matapos ang pagluto sa takoyaki ay nakaorder na kami ng milk tea.
Tumungo na kami ni Ranchie sa aming next destination na milk tea shop na medyo malapit lang sa japanese shop na pinanggalingan namin.
"I namo tea?" Takang tanong niya habang nakatingala.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...