Chapter 21

328 22 0
                                    

"Tara nood ng basketball." Aya sakin ni Daryl.

Kasalukuyan kaming nakatunganga lang dito sa loob ng classroom. Umiling ako at sinabing tatapusin ko muna ang binabasa ko.

"Sure ka? Sila Grant ang lalaban, nandyan na rin ata ang mga taga-Camden University na kalaban nila."

Nagliwanag ang mukha ko ng marinig ang pangalan ni Ranchie. Muntik ko ng makalimutan na team captain nga pala siya ng basketball team ng CRU. Sinabihan niya rin ako kahapon na manood daw ako pero bakit ko nga ba nakalimutan.

"Nagbago na isip ko, tara na." Excited na sabi ko tsaka hinila siya pero agad din akong napahinto.

"Wait muna pala Daryl, magpapalit muna ako ng damit." Paalam ko at dumiretso sa restroom.

Ang ipinalit ko ay ang jersey ni Ranchie na may LEVINE 07 sa likod. Sabi niya ay isuot ko daw to pag nanood ako. Bumagay naman ang jersey sa skirt na suot ko kaya nagmukha na akong cheerleader.

Bumungad sa amin ang napakaraming manonood na dinaig pa ata ang mga manonood sa NBA. Char! Pero seriously, napakaraming tao at buti na lang ay malawak ang court namin dito. Halos mapuno na nga ang bleachers, naghanap kami ng mauupuan ni Daryl at nang makahanap ng magandang pwesto ay saktong nagsimula ng magsalita ang MC.

Pansin ko lang na halo halo ang mga supporters na nanonood ngayon dahil sa magkaibang uniform na suot nila. Kaya naman pala ang daming tao rito ngayon ay dahil marami rin ang students sa Camden University.

Nang ipakilala na ng MC ang mga players ay lumakas ang hiyawan at tilian ng mga manonood. Syempre isa na ako don.

"GO CAPTAIN! LOVE YOU!" Malakas na sigaw ko habang nakatayo.

May mga napapatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Naagaw ko ang atensyon niya dahil napatingin siya sa akin.

"GO RANCHIE! LAMPASUHIN MO SILA AH! HAHAHA!" Sigaw ko muli.

Kita ko ang pag-iling niya bago ngumiti sa akin.

"Kita mo yon girl? Ngumiti si Captain sa akin! Kyaaah!"

"Anong sayo? Sa akin kaya siya ngumiti!"

"Sa akin yon girl, wag kayong assuming."

"Sa akin sabi!"

Rinig kong pagtatalo ng mga babae sa likod ko. Mahinang napatawa na lang ako dahil lahat naman sila ay assuming. Ako kaya ang nginitian ni Ranchie.

"Yui maupo ka nga." Sita sa akin ni Daryl kaya naupo ulit ako.

Wala pang labinlimang segundo ay tumayo rin agad ako at tumakbo pababa para puntahan si Ranchie. May five minutes pa naman bago magsimula ang game.

Parang kinakausap sila ng coach nila. Nasa right side sila habang ang mga taga-Camden Univ naman ay nasa left side.

"Hello coach, pwede ko muna po bang hiramin si Ranchie- este si Captain?" Magalang na paalam ko kay coach na ikinatingin nila sa akin. Pati na rin ang teammates ni Ranchie.

"Sure. Go ahead, but bring him back before five minutes." Pagpayag niya na ikinangiti ko.

"Yes coach! Thank you," Sabi ko at sumaludo pa.

Hinawakan ko ang kamay ni Ranchie at hinila siya sa medyo malayo sa team nila. Pero malapit lapit lang din naman.

"Ranchie..." Pagsisimula ko tsaka humarap sa kanya, "Yuko ka ng konti." Yumuko naman siya agad.

Pinisil pisil ko muna ang pisngi niya tsaka ngumiti.

"Sorry muntik ko ng makalimutan yung game nyo ngayon. Buti na lang sinabi ni Daryl sakin." Nakangusong amin ko tsaka nag iwas ng tingin.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon