Chapter 25

305 20 2
                                    

"HULI CAM! LIVE PORN!"

Humiwalay ako kay Ranchie at tinaliman ng tingin si Daryl. Lumabas ako ng kitchen ng walang paalam at dumiretso sa bathroom.

Napaupo ako sa toilet at napahilamos sa mukha. Nakakahiya! Muntik ko ng ma-rape si Ranchie kung hindi lang dumating si Daryl. It's not my intention to kiss him, it's just... I didn't control myself earlier to the point na hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nakaka-tempt ang labi niya.

I admit that I did something wrong. I should apologize to Ranchie later. Napabuntong-hininga na lang ako bago napagpasyahan na lumabas na. Wala na akong naabutan sa kitchen at mukhang umalis na sila. Maayos na rin ang mga ginamit namin kanina, pati ang ice cream na nasa container ay mukhang inilagay niya na sa freezer.

Nang mag-dinner na ay nagtaka ako ng makitang wala si Ranchie. Tinanong ko kay Red kung bakit wala siya pero ang sagot niya ay wala daw sa room nila si Ranchie. Kung ganon, where is he right now?...

"Red, pwede itext mo ako mamaya kapag bumalik na si Ranchie sa room niyo?"

"Okay, sure."






"Aren't you going to sleep?"

Napatingin ako kay Z na kasalukuyan na nakahiga sa bed niya. It's already 10 pm, hindi muna ako natulog dahil hinihintay ko pa ang text ni Red. I'm worried about Ranchie, was he mad because of what I did earlier? Huhu wag naman sana, baka bukas ay makita ko na lang siya na lumulutang sa dagat.

Umiling ako sa kanya at muling binalik ang tingin sa bintana. Medyo inaantok na rin ako pero hindi pwedeng hindi ko malaman hangga't hindi pa bumabalik si Ranchie. Napahikab ako at umayos ng upo. Please be safe, daddy...

I opened my eyes at agad akong napabalikwas dahil sa pagkaka-alala ko ay nakaupo lang ako sa tabi ng window kagabi. Did I fell asleep there? Pero, nandito ako nakahiga sa kama ko ngayon.

Imposible naman na buhatin ako ni Z at ihiga ng maayos dito. Sa sobrang hate na hate niya sa akin ay baka nga kahit hinahabol pa ako ng mga crocodile dito ay hindi niya pa rin ako tutulungan.

Nakabalik kaya si Ranchie? Tiningnan ko ang phone ko pero wala akong nakitang text ni Red.

Tumayo na lang ako at dumiretso sa bathroom. I brushed my teeth before changing my suit into a red one piece swimsuit. Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda at sexy naman ang katawan ko. I have a royal-- este coca-cola body that every guy will drool of. Ehe!

#proud

Ipinatong ko na lang ang sleeveless beach maxi dress bago lumabas. Habang nagsusuklay ng buhok ay pinagmasdan ko si Z na nakahilata pa rin at mahimbing ang tulog. Naupo ako sa tabi niya at tinitigan ng mabuti ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit laging kumukulo ang dugo niya sakin.

Marahil ay pinaglihi lang talaga siya ni tita Jai sa sama ng loob. Hehe charot!

"I hope you will realize someday that being so rude isn't good. And I also hope that you'll be able to show me your true personality. I believe that you're a soft person, Zachi." Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko before caressing his thick eyebrows.

Ngayon ko lang napansin na ang kapal pala ng kilay niya at ang ganda din ng curve. Nabigla ako ng makitang may lumabas na luha sa mata niya. Is he still on his sleep?

"Dad..." Rinig kong bulong niya. I guess he's having a nightmare.

Pinahid ko ang luha sa pisngi niya bago napangiti ng mapait. Tumayo na ako at lumabas ng room namin.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon