Chapter 18

378 25 2
                                    

KASALUKUYANG nakikipag-kwentuhan ako ngayon kay Hiro dahil siya ang katabi ko. Hindi ko alam kay Ranchie kung nasaan siya.

Nagtaka ako ng biglang tumahimik ang buong classroom kaya napatingin ako sa pintuan. There's an unfamiliar boy at pumasok doon at parang walang pakialam sa paligid na naglakad papunta sa tabi ni Daryl at naupo sa upuan.

"Yui... palit tayo ng pwesto." Biglang bulong ni Hiro.

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Basta, natatakot ako kay Matt eh huhu." Aniya kaya napangiwi ako. Yung Matt ba yung kaninang pumasok na lalake?

Tumayo ako at nakipagpalit ng upuan sa kanya. Napatingin sakin yung Matt kaya nginitian ko siya.

"Hi," Bati ko sakanya pero blangko lang ang mukha niyang nakatingin sakin. Kung makatingin siya ay parang isa akong napakawalang kwentang nilalang.

"Yui wag mong kausapin yan, ayaw niya ng kinakausap siya." Bulong ni Hiro pero hindi ko siya pinansin.

"Ngayon lang kita nakita dito, what's your name? Mister?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin.

"Hello? Are you deaf? Or mute?" Tanong ko in a nice way.

Napapisil na ako sa ilong ko dahil no response pa rin siya. Bumaba ang tingin ko sa i.d niya at malaya kong nabasa ang buong pangalan niya.

Matthew Hades Sawyer

"Ang ganda naman ng pangalan mo... parang ako." I joked a bit, "Di ka man lang mag-rereact?"

"Hades..." Pagbanggit ko sa second name niya at kita ko ang panandaliang pagbago ng ekspresyon niya pero agad ding bumalik sa pagiging blangko.

Parang mas bagay kung Hades ang itatawag ko sa kanya. So cool.

I smiled at him, once again.

"Awww... Tangina Hiro ang sakit!" Daing ko ng biglang kagatin ni Hiro ang braso ko.

"Diba sabi ko sayo na bawal siyang kausapin?!" Inis na sabi niya kaya naiiyak na tumingin ako sa kanya.

"Ito na nga! Di na nga kakausapin!" Nakasimangot na sabi ko tsaka tumayo, "Pakyu! Bahala ka dyan, suntukin ka sana ni Hades." Tumayo ako tsaka naglakad papunta sa harap at tsaka doon naupo. Lumingon ako sa likod at nakita ko siya don na teary eyed na nakatingin sakin.

Binelatan ko lang siya at haharap na sana kay Prof na kadarating lang ng mapatingin ako kay Hades. Nakatingin siya sakin pero agad ring nag-iwas. Tinamaan to sakin, pustahan.

"Oh Mr. Sawyer? Welcome back." Sabi ni Prof Fevrarie habang nakatingin kay Hades. Hindi siya pinansin ni Hades at nanatiling blangko lang ang tingin.

Ang creepy nya!

"Go back to your proper seats if you don't want me to lower down your grades!" Ma-awtoridad na sigaw ni Prof kaya dali-dali kaming bumalik sa kanya kanya naming upuan.

"We have a short quiz today and It is recorded. Get one and pass. Goodluck!" Aniya tsaka inabot sa mga nasa harap ang test paper. Rinig ko pa ang reklamo ng mga kaklase ko, syempre kasama na ko don.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon