Chapter 26

460 22 2
                                    

"Cale! Nandito ka lang pala, mom's finding you. Go back to your room there in the hotel, our mother is in the kitchen." Sabi ni Orion at pinatayo ang bata.

"Eh? Kapatid mo yan si supot?" Natatawang tanong ni Daryl.

"Supot?" Takang tanong ni Orion, "Ahh, si Cale oo nga supot siya hahaha! Kapatid ko, and coincidence lang na nagbakasyon rin pala sila dito nila mom."

"Kaya naman pala may kamukha, kapatid mo pala." Sabi ko at tumayo.

"Yeah, pareho kaming pogi." At nagpogi pose pa na ikinangiwi ko.

"Mukha ngang mas matured pa sayo yung bata eh."

"Haha! We gotta go, see you in our lunch." Paalam niya at inakay na si Cale papunta sa hotel.

"Bye ate Yui." I just waved my hand.

Tinanaw ko si Daryl at nakitang ang daming babae ang nakapaligid sa kanya. Kitang-kita kasi ang mga pandesal sa katawan niya kaya pinagp-pyestahan na naman. Kakaalis niya lang dito sa tabi namin nyan.

Nag swimming muna ulit ako at nagbabad sa tubig. Nang mapagod na ay umahon rin ako agad at dumiretso sa cottage. Nandito rin ang iba na kumakain ng desserts. Mga basa pa ang buhok nila marahil ay kakagaling lang nila sa tubig.

Kinuha ko ang towel ko na nasa upuan at nagpunas ng buhok at katawan. Ng medyo matuyo na ay kinuha ko na rin ang sunglasses ko. Ngayon ko lang napansin na nandito pala si pres. Bumaba ang tingin ko sa abs niya at pinagkatitigan yon ng mabuti. Nang maramdaman ko ang tingin niya sa akin ay agad kong isinuot ang sunglasses ko habang nagw-whistle.

Naglakad ako palapit sa folding beach chair at nahiga habang nakasuot ang sunglasses ko. Relaxing is the most important thing, ang hirap ng buhay kapag dinalaw ka ng stress. The ray of the bright sun is hitting my skin. Nagtataka nga ako kung bakit hindi umiitim ang balat ko kahit na magbilad pa ako sa araw, medyo namumula lang kumbaga. Perks of having a white skin.

I watched the boys and girls having fun swimming, soaking their body in the water. I looked at Aiden ng makitang papalapit siya sa akin.

"A lot of guys were looking at your body, Yui. Can I cover your body?" Kamot-batok na tanong niya.

"O-okay, salamat sa concern." Ngumiti ako bago tumango.

Ipinatong niya sa katawan ko ang towel na hawak niya at naupo sa tabi kong beach chair.

Base on my observation on Aiden, he's a type of a silent guy. Madalas ay tahimik siya pero isa yon sa mga charm niya. He's helpful and kind too, bagay ang personality niya sa maamong mukha niya.

"Is there something on my face?" Nahihiyang tanong niya kaya umiling ako. Mukhang napatagal ata yung titig ko.

"Gusto mo?" Alok ko sa kanya ng cocoa brownies.

"Thank you."

Kumuha siya ng brownies kaya napangiti ako.

Nasamid ako sa iniinom kong iced tea dahil sa nakita ko. Put--a yung manok ko! Tinanggal ko muna ang sunglasses ko pati na rin ang towel na nakapatong sakin tsaka inilapag sa upuan. Tumakbo ako papunta kay Red na kasalukuyan na natatabunan pa rin ng sand ang katawan.

"RED?! Damn it!" Naluluha kong sabi at mabilis na tinanggal ang lahat ng sand sa katawan niya.

1 hour and 30 minutes na siyang nandito, nakabilad. This is my fault!

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon