YUI
"Arghhh!" Sigaw ko tsaka wala sa sariling bumangon mula sa malalim na pagkakatulog.
Panira naman tong alarm clock na to! Saturday nga pala ngayon bakit hindi ko na-off? Nagset pa ako ng alarm kagabi hays epekto ba to ng puyat? Tinapos ko pa kasi yung isang set ng kdrama kagabi kaya anong oras na ako nakatulog.
Kaya heto ako ngayon, gising na gising dahil sa aking katangahan. Sure naman akong hindi na ako makakatulog kaya tumayo na ako habang lutang na pumasok sa cr.
Humikab pa ako ng makita ko si Ranchie na nagt-toothbrush sa may bandang sink dito sa loob. Akalain mo nga naman, hanggang sa hallucination ko nakikita ko si Ranchie. Pagak na napatawa ako at dumiretso sa bathtub tsaka ito pinatuluan ng tubig mula sa faucet. Ang sarap magbabad sa tub ngayon lalo na't mainit ang panahon.
I removed all my clothes tsaka aapak na sana sa bath tub ng dahan dahan akong lumingon nang marealize ko na hindi isang hallucination si Ranchie kundi totoong nandito siya! At... at...
Holy cow! Tuluyan na nagising ang diwa ko nang makitang nakatingin siya sa akin ngayon.
"AAAAAAAHHHHH!" I yelled before covering my naked body using a towel beside me.
"RANCHIE!!! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Bulyaw ko sa kanya dahilan para matauhan siya.
"I didn't mean to see you n-naked. I'm so sorry Cami, my moves was so disrespectful." Nakayukong sabi niya na ikinahinga ko ng malalim.
"What are you doing here in my bathroom? Tsaka bakit dito ka nagtoo-toothbrush? Nakita mo pa tuloy." Mahinahon na tanong ko.
Pero shit! Nakita niya naaaa! Huwaaaa nakakahiya!
"Walang tubig na lumalabas sa faucet sa bathroom ko so I decided to brush my teeth here since there's a water here." Parang batang paliwanag niya kaya pinigilan kong macute-an sa kanya dahil may kasalanan pa siya sakin. Mayroon naman siguro na tubig sa faucet sa kitchen bakit dito pa niya naisipan na mag-toothbrush.
"At hindi ka man lang muna nagpaalam sakin? Paano kung tuluyan na kong nakaligo dito edi napanood mo pa ko. Ni hindi ka man lang nga nagsasalita dyan kanina." Itinapis ko sandali ang towel sa katawan ko bago magpatuloy, "Sa susunod, magpaalam ka muna kapag makikigamit ka ng banyo ha? Do you understand, Grant Levine?"
Nakanguso na tumango tango siya kaya pinigilan ko ang pagngiti.
"Okay, basta wag mo ng uulitin ang pagpasok sa kwarto or bathroom ko ng hindi nagpapaalam. We're clear now, pwede ka na munang lumabas para makaligo na ako."
"Thank you Cami! And sorry again," Pahabol na sabi niya bago tuluyang lumabas.
Lumapit ako sa pinto at nanghihinang ini-lock iyon.
Oh my innocent body, mayroon ng ibang nakakita sayo.
I'm currently sitting under the tree-- on Z-House's garden. Gusto ko lang munang mapag-isa yung wala ang mga asungot na manggugulo at mang-aasar sakin. Hehe, chos. Kahit na mga loko-loko yon mahal na mahal ko yon.
Gusto ko munang kalimutan ang ginawang karumal dumal na trespassing na ginawa ni Ranchie. Mahinang napatawa ako ng maalala ang mukha niyang natataranta kanina. Hindi niya pa alam kung tatalikod ba siya o magtatakip ng mata. Haha ang cute niya palang mataranta.
I heard some foot steps at mukhang papunta dito iyon. Agad kong inilagay sa tenga ang headset ko at nag-tulog-tulugan. Pinakiramdaman ko ang paligid at naramdaman kong papalapit siya sa kinaroroonan ko.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...