When I arrived at home ay agad akong nagpalit ng damit dahil I'm planning to go to the nearest bookstore to buy some books.
Pagkarating ko sa book store ay agad akong pumili ng makakatulong sakin dahil gusto kong magreview. I mean, it-tutor nga pala ako ni Ranchie. When I'm done buying some books, i decided to leave immediately.
I'm just walking dahil medyo malapit lang naman to, di naman kalayuan sa Z-House. Habang naglalakad ay muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang may bumagsak na tao sa harapan ko galing sa itaas.
Literal na hulog ng langit.
I bowed my head to see who's that and to my surprise, it was Hades with his bloody body. Hinawakan ko ang pulso niya to know if he's still breathing. Malay mo baka hindi na pala siya humihinga. Nakapikit kasi siya at mukhang nahihirapan na siya sa sitwasyon niya.
Paano ko ba siya bubuhatin? Eh ang bigat bigat niya!
"Pstt! Manong pwede po bang patulong buhatin to papunta sa bahay namin? Nabugbog po ata eh." Paghingi ko ng tulong kay manong na dumaan.
"What? Manong? You called me 'manong', that's gross." He irritatedly uttered before removing his cap.
Medyo nagulat ako ng makita na si pres pala yon. Anong ginagawa niya dito? Sabi na nga ba at isa siyang stalker eh!
"Aba sorry naman, malay ko bang ikaw yan. Mukha ka kasing matanda eh." I mocked, making him evil glared at me.
Haha, pikon!
"Tsk!" Asik niya tsaka lalampasan na sana ko ng pigilan ko siya.
"Wait, patulong muna na buhatin si Hades papunta sa bahay. Baka mamatay siya dito, hindi ko keribels wala akong pambili ng mga kape para sa burol niya." Naka-ngusong sabi ko, yumuko siya para tingnan si Hades.
"Is it Matthew? As far as I know he's not letting anyone call him by his second name..."
"Pres? May sinasabi ka?" I asked, I heard him murmuring something.
"Nevermind." He exclaimed nonchalantly before helping me to carry Hades.
Nang makarating kami sa tapat ng Z-House ay agad akong nagpasalamat sa kanya.
"Hmm." Tanging sabi niya tsaka naglakad na paalis.
Wala manlang sinabing 'welcome', sapakin ko siya jan eh!
Inakay ko na si Hades papunta sa kwarto ko.
Wala dito ang mga kumag dahil nagb-basketball sila. I laid him down on my bed before examining his wounds. His bloody wounds were still fresh marahil ay kani-kanina lang nangyari sa kanya to.
"Hays... Kawawa ka naman." I sadly whispered while staring at his face.
Isa siguro sa mga enemy niya ang gumawa sa kanya nito.
Nilinis ko muna ang mga sugat niya sa braso at sa mukha tsaka ginamot iyon. May ilan rin siyang pasa at hindi naman gaano kalalim ang mga sugat niya pero marami-rami yon.
"Lord, patawarin niyo po ako kung ano man po ang magawa ko sa lalake na to. Amen." Nakapikit na sabi ko at dumilat bago hubarin ang damit ni Hades.
I gulped because of his abs.
Hindi naman siguro masama kung hahawakan ko eh hehe, promise pahawak lang. Dahan-dahan kong hinawakan yon at ang tigas! Pinindot pindot ko pa yon tsaka napa halakhak.
#TheRealTsansing
I wiped his body and arms using a wet towel.
Nang matapos ko na siyang asikasuhin ay niligpit ako na ang medicine kit at nagtungo muna sa baba para kumain. Hapon pa lang naman pero mas maganda daw na may laman ang tiyan bago mag-aral.
BINABASA MO ANG
Only Girl
RomanceYui is the rose among the thorns or a girl in a bunch of boys. Since her childhood days, she's always been surrounded by men's. But what if.... One guy will like her. One guy will wish to win her heart. One guy will adore her. One guy will like her...