Chapter 14

370 21 1
                                    

BUMABA na ko sa kotse niya tsaka pumasok na sa loob ng Z-House. Nagcutting classes pala ko, paktay.

Nagpalit na lang ako ng damit dahil naka-uniform pa rin ako. Balak ko sanang maggrocery dahil wala na kaming stock sa ref. Mga patay gutom kasi ang mga kupal laging sinasabakan mga stock foods namin.

Naghoodie na rin ako tsaka nag-face mask. Trip ko lang. Hinanap ko muna yung susi ng kotse ko dahil wala akong gagamitin. Pagkabukas ko ng main door ay nagulat ako ng mukha ni Chase ang bumungad sa akin.

"Where are you going?" Seryosong tanong niya. Naalala ko ang nangyari kanina kaya medyo kinagat ko ang dila ko.

"Mamimili. Ubos na kasi stock natin sa ref." Nakaiwas tingin na sagot ko. Baka kasi pag tumingin ako sa mukha niya ay ma-temp lang ako sa labi niya at baka masunggaban ko siya ng wala sa lugar.

"Hmm, take care." May sinabi pa siya sa huli pero hindi ko narinig dahil parang binulong lang niya, tumango na lang ako.

Hinalikan niya muna ako sa noo bago siya umalis. Feeling close talaga ang pervert na yon! Hmp!

Bumaba na ko sa kotse tsaka pumasok na sa loob. Kumuha na rin ako ng shopping cart tsaka itinulak.

Nagsimula na akong maghanap at kumuha ng kung anong makita ko. Kung anong matrip-an ko lang talaga.

Nagningning ang mata ko ng makita ko ang snickers na chocolate. Wala, bigla lang akong nag crave sa chocolate. Nasa pinakamataas na parte yon kaya kailangan ko pang talunin. Tinalon talon ko yon pero di ko maabot. Grabe naman kasi, sobrang taas. Ano tingin nila samin? Kapre?

Napatingin ako sa lalakeng nakakuha ng snickers. Sabaok abot. Napalingon siya sakin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Tiningala ko ulit yung snickers sa taas.

"Bye bye baby snickers." Lantang gulay na sabi ko tsaka aalis na sana pero may pumigil sakin.

"Miss, wait!"

"Po?"

"Nakita ko kanina mukhang hindi mo maabot so i take it for you." Sabi niya tsaka inabot sakin yung isang balot ng snickers. Yes!

"A-ahh, salamat." Pasasalamat ko tsaka tumingala sa kanya. Grabe ang tangkad, basketball player ata to.

Nginitian niya lang ako. Wow ang puti ng ngipin, hehe.

"Karsen! Hurry up!" Biglang may tumawag sa kanya na lalake kaya napasilip ako don sa likod niya. Matangkad tong Karsen 'kunno' pero mas matangkad pa ata ng konti yung tumawag sa kanya.

Lumapit siya samin tsaka niya ko tinaasan ng kilay. Baccla siguro, pero mukha namang malaki ang talong niya. Sayang.

#TThunterSpotted

Inakbayan niya yung Karsen tsaka hinalikan sa pisngi, "Let's go babe." Malambing na sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"WatdapaK? Bl ba to?!" Di makapaniwalang bulong ko, "Ito na ba ang sinasabi nilang ang gwapo ay para lang sa gwapo?" Dagdag ko tsaka mahinang natawa.

"Yuck, kadiri ka kapatid. Don't kiss me, you idiot!" Nandidiring sabi ni Karsen sa lalaki. Ahh kapatid naman pala.

"Tsk! You're disgusting too." Sabi naman ng lalaki kay Karsen tsaka lumayo ng konti. May saltik amp.

Pinabayaan ko muna silang nagbangayan dahil hindi ako makahinga sa mask ko. Tinanggal ko muna yon tsaka nilagay sa shoulder bag ko. Tinanggal ko na rin ang hood ng hoodie ko tsaka sinuklay ang buhok.

"Di ko pala natanong sila Red kung anong gusto nilang ipabili." Bulong ko tsaka napabuga sa hangin.

Napatingin ako sa dalawa na nakatingin rin pala sakin.

Only GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon