Guys sorry po sa super duper late update. Naging busy sa school at nagbakasyon ng konti hehe. Tapos mukhang galit ata sakin si Idea kasi hanggang ngayon hindi nya ako dinadalaw kaya wala ako maisulat ng maayos. Pagpasensyahan nyo na po muna ang update na ito.
--
Mich's POV:
Binuhat ako ng mga taong kumuha sakin. After few minutes binaba na nila ako tapos binitiwan. Parang hindi naman kami lumayo ah. Saglit lang nila ako binuhat eh, ni hindi nga kami sumakay ng kotse eh.
Biglang may nagplay na music.
I've been looking under rocks and breaking locks
Just tryna find yaUnti-unti kong inalis ang blindfold ko. Nasa garden kami sa likod ng station, nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Napapalibutan ng rose petals ang damuhan tapos may isang dinner table with candles, nandun din yung ibang staff na kumuha sakin kanina. Nakita ko din si Dj Chard na sya ang nagplay ng music.
I've been like a manic insomniac
Five steps behind yaIsa-isang lumapit yung mga staff at isa-isang nagbigay ng bulaklak sakin. Ano to? Debut ko? Matagal pa ang debut ko ha. Pina-advance ba nina mama ang debut ko dahil magiging busy sila hanggang sa matapos ang debut ko?
Tell them other girls, they can hit the exit check please
Cause I finally found the girl of my dreams
Much more than a Grammy award
That's how much you mean to meAfter the 9th rose biglang naging minos one yung tugtog tapos biglang may kumanta.
You could be my it girl
Baby you're the shit girl
Lovin' you could be a crimeNilibot ko yung mata ko para hanapin yung kumakanta hanggang sa makita ko si Nicko na papalapit at may dalang tatlong bulaklak. Nakasout sya ng semi fitted na polo shirt at nakapants lang pero litaw na litaw parin ang kagwapuhan nya. Dagdag pa sa pogi points nya ang medyo magulo nyang buhok. Grabe ang hot nya!
Teka! Shit! Sya ba ang may pakana nito? Walang ya yan! Kung anu-ano na ang nararamdaman ko kanina tapos sya pala ang may pakana nito.
Crazy how we fit girl
This is it girl
Give me twenty five to lifeI just wanna rock all night long
And put you in the middle of my spotlightYou could be my it girl
You're my bigge...Hindi ko na sya hinintay makalapit sakin dahil mabilis na akong lumakad palapit sa kanya at... "Hoy! Sira ulo ka ba?! Alam mo ba kung ano yung nararamdaman ko mula pa kanina?" Hinampas ko sya ng malakas sa dibdib. Kitang kita sa mukha nya ang pagkabigla. "Una noong tumawag yung Joe. Alam mo ba kung pano ako nahihiya na parang walang gustong tumawag sakin?! Tapos noong pinakuha mo ko sa mga staff. Akala ko kikidnapin na ako. Alam mo ba kung paano ako sobrang kinabahan?!" Sira ulo tong lalaking to. Gagawa nalang ng surprise, ano pang trip na ginagawa nya. "Kung gusto mo lang palang mangsurprise sana pinatawag mo nalang ako! Hindi yung pinakaba mo pa ko! Nakakainis ka alam mo ba yun!" Hindi parin sya makasagot sa akin. Gulat na gulat parin sya.
"So-sorry." Nakayukong sabi nya. Tss. Bakit parang bigla akong naawa sa kanya? Dahil ba napahiya sya sa mga sinabi ko? Kasalanan nya naman eh. "Hindi naman kasi ganun yung plano ko eh. Kaso si Joe kasi gusto ka nyang inisin habang nag-aayos kami dito. Sorry kung ganito kinalabasan ng surprise ko sayo." Sabi nya na nakayuko parin.
"Tss. So para saan na naman ang surprise mong ito?" Nakacross-arms ako tapos tinaasan ko sya ng kilay.
"Tatanungin na sana kita kung pwede na ba kitang maging girlfriend kaso mukhang malabo na kasi sinira na ni Joe yung mood mo." Nakayuko parin sya tapos yung boses nya parang bata na nakakaawa.

BINABASA MO ANG
A Perfect Setup
RomanceEverything was perfect until she came back. Masasabing mo bang nakapagmove-on ka na talaga? Isang kasunduan na pareho kaming makikinabang. Give and take kung baga. Mahuhulog ba kami sa sarili naming pagpapanggap?