Emci's POV :
"kyaaahhh!! hihihi" nagising ako sa mga tilian sa room ko
"ano ba?! natutulog yung tao!" sabi ko nang nakapikit parin.
"hoy babae gumising kana dyan at may ikukwento kapa samin." alam kong si kim yun kahit makapikit pako. hinila nila ako paupo.
"ano ba?! inaantok pako." padabog kong sabi na nakapikit parin
"ano yung nakita ko kagabi ha? may pahalik-halik pa sa pisngi." tanong ni kim
napamulat naman ako. anong pinagsasabi nito "anong halik? at pano kayo nakapasok dito?" tanong ko
"maang-maangan kapa dyan. yung kagabi, yung kiniss ka sa cheeks ni enzo. hihihi. di naman nakalock yung pinto kaya pumasok nakami." Sabi ni kim. kinikilig nanaman silang dalawa.
"nandun kayo?!" shock ako. bigla ko naalala yung kagabi. pano nila nalaman yun? di ba nauna na sila pumunta sa room nila samin? ihh sigurado kukulitin nanaman ako ng mga to.
"wala naman. nauhaw kasi ako kagabi, bababa sana ako kaso nung lalabas nako sa kwarto ko nakita ko kayo kaya sumilip muna ako sa inyo hihihi." sabi ni kim "tapos yun nakita ko na hinalikan ka nya."
"so yan yung pinagkukwentuhan nyo kanina kaya ang ingay nyo?"
"pati yung nagkiss kayo sa car hehe." sagot ni mich
"what?! bat pati yun sis?"
"e di ba sabi mo sasabihin mo din kay kim. hehe kinikilig kasi ako kanina kaya di ko na napigilan ikwento hehe." sagot nya
"tss alam nyo na pala lahat eh. ano pagusto nyo ikwento ko?"
"oo alam namin yung nangyari, ang tanong bakit may ganon na? kayo na ba?" tanong ni kim. kung makakilig naman mga to kala mo may something samin
"kala ko ba na kwento mo na kay kim yung sa kotse?" tanong ko kay mich "aksidente lang yun di ba?" tinignan ko sya ng masama
"hehe yung point dun is nagkiss kayo." sagot nya
"aba't ikaw mismo nagsabi na di counted as kiss yon tapos ngayon pinipilit mo yan."
"e yung kagabi aksidente?" Tanong ni mich at tinaasan nya pa ako ng kilay.
"sa cheeks lang yun ah."
"syempre step by step yan haha" sabi ni kim "so kayo na nga?"
"hindi ah!"
"sis ayos lang yan. wala naman masama, pareho naman kayong single. tsaka its about time naman siguro para magkabf ka." sabi ni mich
"e hindi naman talaga eh. kulit nyo ha" tumayo na ako tapos pumunta sa cr
"so nasa GTKEOS pa kayo?" tanong ni kim na sinundan talaga ako hanggang sa banyo
"huh? anong sabi mo?" takang tanong ko
"GTKEOS. getting to know each other stage. turtle ka girl." sagot nya
"ang hirap kaya intindihin nun. tsaka anong turtle?" tanong ko habang naghihilamos
"turtle. slow. ay turtle ka talaga haha" daming alam ng babaeng to na sya lang ata nakakaalam
"tss" di ko na sya sinagot at nagsipilyo nalang ako
"sis ano nga may gusto kana sa kanya?" tanong ni mich
"wala no! hindi ko type yun." sagot ko habang nasa bibig ko yung toothbrush
BINABASA MO ANG
A Perfect Setup
RomanceEverything was perfect until she came back. Masasabing mo bang nakapagmove-on ka na talaga? Isang kasunduan na pareho kaming makikinabang. Give and take kung baga. Mahuhulog ba kami sa sarili naming pagpapanggap?