chapter 13

722 34 20
                                    

thanks po sa pagfollow :)

--

EMCI's POV:

umupo na sya at nilapag sa carpet yung kinuha nya. nakaindian sit kami ngayon. "maglalaro tayo ng truth or dare." sabi nya "salitan tayo. pag di mo nasagot ang question, nasa winner na kung ano gagawin sayo. susulatan ang mukha mo o iinom ka ng mga to. kapag di naman nagawa ang dare, magtatanggal ng isang piraso ng damit nya. game?"

"bat pati damit?"

"para sure na gagawin ang dare"

"sige pero ako mauuna. truth or dare" sabi ko

"truth muna."

"truth? uhmm.. alam ko na. bakit tayo kailangan magpanggap sa ate mo?"

"uhmm.. kasi ganto yan. nakapangako ako kay ate na magiging model nya last month. kaso nakalimutan ko. tapos ayon nagalit sya." sagot nya

"anong connect?" taas kilay kong tanong o.O

"kasi kapag may kasama akong girlfriend hindi nya ko bubugbugin kasi ayaw nya din na makita yun ng gf ko. so naiisip ko na magpanggap tayo hehe."

"so dinamay mo ko para di ka gulpihin ng ate mo?!" ay loko tong lalakeng to! ginagamit lang pala ako for his own benefits

"uhmm.. d naman hehe."

"e ano?"

"hep hep hep. nakakadami kana ah. ako naman magtatanong. truth or dare?" tinapat nya pa yung kamay nya sakin sign of stop

"truth nalang baka ano pang ipagawa mo sakin."

"truth? dare na lang." nakapout na sabi nya

"ay ayoko nga."

"o sige. sinong crush mo sa mga bachelors?" nagulat ako sa tanong nya

"teka bat ganyan yung tanong mo? walang ganyan." angal ko

"ay hindi yun ang tanong ko. pag di mo nasagot may consequence ka." takot nya sakin "dali na wag mo na sagutin para may consequence kana hehe."

"sige dare na lang."

nagsmirk muna sya bago sya magsalita "kiss me."

"ano?!!"

"SABI KO KISS ME." diniinan nya pa talaga ang pagsasalita para malinaw.

"hoy enzo anong tingin mo sakin ha?! ayoko na!" tatayo na sana ako kaso hinila nya ang kamay ko

"edi sagutin mo nalang yung tanong. crush lang naman eh. sige ka pag umalis ka magtatampo ako sayo tapos di na kita kakausapin." nakapout na panakot nya sakin. ako naman namesmerize na naman sa napakacute at gwapo nyang mukha. shetness!! gawin ko na lang kaya yung dare nya hihi "dali na kasi. sino ba crush mo samin?"

"ang kulit mo no? si nicko. masaya kana?" umupo nako ulit "ako na magtatanong."

"teka, bat si nicko?" takang tanong nya

"isang question lang di ba?"

"bakit nga sya?" tanong ulit nya

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon