Chapter 28

443 10 14
                                    

Emci's POV:

Tinignan ko lang sya para ituloy nya ang sasabihin nya. Pabitin effect pa eh.

"I..."

"Ano nga?" Di ko na napigilang itanong.

"I... I want to go home na. Gabi na din kasi baka hanapin ka na ng boyfriend mo." Sagot nya tapos tumayo na sya.

"Ah ok." Sagot ko tapos tinulungan nya akong tumayo. Grabe naman. Kala ko importanteng bagay na, may pabitin effect pa gusto lang pala nyang umuwi.

Pagdating namin sa pad, pinagbuksan nya agad ako ng pinto at inalalayang bumaba.

Napaka gentleman talaga ng lalaking to. Ang swerte ng babaeng mamahalin nito.

"Thank you for this day." Sabi nya pagbaba ko.

"Thank you din. Nag-enjoy at nabusog ako ng sobra haha." Sabi ko.

"Sa uulitin ha?" Sabi nya habang natatawa.

"Ok sige. Good night." Paalam ko tapos tumalikod na ko.

"Barbie!" Tawag nya kaya napalingon ako sa kanya. "May ibibigay pala ako sayo." Binuksan nya yung pinto sa likod ng kotse tapos may kinuha syang stuff toy tapos binigay nya sakin.

"Para saan 'to?" Tanong ko.

"Kailangan ba may reason kapag bibigyan kita ng stuff toy? Haha oh sige na pumasok ka na. Good night." Sabi nya tapos bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

Nagulat ako sa ginawa nya. This is the first time na hinalikan nya ako sa pisngi.

"Emci!!" Biglang may sumigaw kaya napatingin kami sa direksyon noon, at mas nagulat ako ng makita kong si Enzo pala ang sumigaw.

He's staring at us like he wants to kill us, oh scratch that, mukhang mas gusto nyang patayin si Ken.

Teka, bakit ba ang sama ng tingin nya samin? Para namang may ginagawa kaming masama.

Lumapit sya samin na hindi parin inaalis ang tingin kay Ken. Hinawakan nya yung kamay ko tapos hinila nya ako palapit sa kanya. "Tapos ka na ba sa girlfriend ko?" Matigas na sabi nya kaya Ken. "Tara na. Pumasok na tayo sa loob." Sabi nya sakin tapos hinila nya ako, kaladkad to be exact.

"Enzo teka lang. Wag mo naman akong kaladkarin." Sabi ko ng makarating kami sa pinto ng pad tapos binawi ko yung kamay ko na hawak-hawak nya.

Tinignan nya ako, yung mata nya puno ng galit at parang gusto nya akong sigawan.

"Ano bang problema mo?" Tanong ko. Matagal bago sya nagsalita.

Nag-iwas sya ng tingin sa akin. "Umakyat ka na." Walang emosyong utos nya tapos tinalikuran na nya ako at nagpunta sa kusina.

"Tsk. Bahala ka nga sa buhay mo!" Inis na sigaw ko at umakyat na sa kwarto namin.

Pagdating ko sa kwarto, dumeretso ako sa banyo para maghilamos at magpalit ng damit.

Bwisit talaga yang Enzo na yan! Nakakahiya tuloy kay Ken. Ano na naman bang problema nya?!

"Hayy!! Abnormal ka Enzo!" Sigaw ko.

Paglabas ko ng banyo nagulat ako ng makita kong naka-upo sya sa kama at nakatingin lang sakin. Inirapan ko lang sya at umupo sa may couch.

Narinig ko sya huminga ng malalim kaya napatingin ako sa kanya. Tumayo sya tapos lumapit sa akin at umupo sa tabi ko.

"Sorry." Sabi nya pero hindi ko sya pinansin. "Uy, sorry na." Ulit nya pero hindi ko parin sya sinagot.

Nagulat ako nang bigla nya akong iharap sa kanya tapos hinaplos nya yung pisngi ko. "Sorry na please." Urgg! Those eyes! Bat ba feeling ko ang sama-sama ko kapag hindi ko sya pinatawad? Grr!

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon