Chapter 29

454 10 12
                                    

Enzo's POV:

"Enzo umamin ka nga. Nahuhulog ka na ba sakin?" Tanong nya na kinabigla ko.

Tinatanong mo kung may gusto ba ako sayo? Oo matagal na. Matagal na kitang gusto. Hindi naman ako tumigil na mahalin ka noon kahit kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa akin.

Yan yung gustong-gusto kong sabihin sa kanya pero takot ako dahil baka lumayo sya sakin.

Nginitian ko muna sya ng nakakaloko bago ko sya sinagot. "Wag kang assuming. Ayoko lang talaga kay Ken kaya ayoko din sya para sayo."

"Magkaibigan lang kami ni Ken. At saka hindi ikaw ang magdedesisyon kung sinong gugustuhin ko o hindi." Sabi nya.

"Concern lang ako sayo."

"Wow concern daw." Natatawang sabi nya. "Maiba tayo. Wala na bang balak umuwi si Frank? Kawawa kasi si Ella, feeling ko na o-op sya sa pad." Biglang tanong nya.

"Alam ko malapit na syang umuwi eh. Ewan ko kay Frank bakit di na lang nya sinama yung girlfriend nya." Sagot ko. "Wag na natin silang pag-usapan. We have our own issue baby." Sabi ko tapos nagsmirk ako.

"Tss issue your face." Inirapan nya lang ako kaya napatawa ako.

Tahimik na lang kami buong byahe hanggang makarating kami sa event ni ate.

Pagbaba namin ng van, agad kaming sinalubong ng mga tauhan ni ate at dinala sa kanya.

"Hi Emci. Long time no see. Kumusta ka na?" Nakangiting bati ni ate kay Emci.

"Hello ate. Ayos lang po, kayo?" Balik naman ni Emci.

"Heto Busy sa event. Buti na nga lang pumayag kayong tulungan ako eh." Sagot ni ate tapos lumapit sya samin ni Misha na natutulog habang buhat-buhat ko. "Mukhang napagod sya sa byahe ah." Sabi nya habang hinihimas-himas ang buhok ni Misha.

"Hindi ko na nga sya ginising baka mawala pa ito sa mood." Sagot ko.

"O sige, Jass pakikuha na lang muna si Misha tapos doon mo na lang muna sya ihiga sa office ko, kapag nagising na sya dalhin mo na lang ulit kina Enzo." Utos ni ate sa isang tauhan nya.

Binigay ko si Misha kay Jass.

"Tara na sa loob." Sabi ni ate kaya sumunod na kami ni Emci.

"Ano bang meron sa event ng ate mo?" Bulong ni Emci.

"Uhmm... Hindi ko din alam eh, pero baka katulad lang ng dati, magbebenta sila ng paintings para sa charity nila ni Vinz." Sagot ko.

"Paintings? Marunong din magpaint ang ate mo?" Tanong nya.

"Nope. Si Vinz ang nagpe-paint. Magaling lang si ate sa pagcapture ng perfect moments, tapos si Vinz naman mahilig magpaint. Kaya perfect partner sila, si ate ang maghahanap ng magandang scenery tapos pi-picture-an nya tapos bibigay nya yung Picture kay Vinz at saka naman nya ipe-paint ito." Sagot ko.

"Painter pala si Vinz. Wala bang gallery si Vinz para paglagyan ng works nya?" Tanong nya.

"Uhmm... Sa pagkakaalam ko wala. Hobby lang kasi ni Vinz ang pagpipinta, tapos lahat naman ng pinipinta nya binebenta dito sa event nila ni ate. As far as I know, lahat ng works ni Vinz nabebenta at the end of the event." Sagot ko.

"Talaga? Wow ang galing naman nya. Excited na ko makita ang mga works nya." sabi nya.

Pagkapasok namin sa hall inabutan kami ni ate ng brochure. Basahin daw namin para may alam kami sa back ground ng mga paintings. Kami daw ang mag-aassist sa mga guest kapag may nagustuhan silang paintings.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon