Chapter 30

415 9 3
                                    

Emci's POV:

"Kasal?!!" Sabay naming sigaw ni kuya Paul.

"Bakit? May problema ba honey?" Tanong ni mama.

"Mama hindi ako makakapayag na ikasal na sina Emci. Hindi pa nila ganoon kakilala ang isa't-isa. Isa pa, mas matanda ako kaya dapat ako ang ma-unang ikasal." Sabat ni kuya Paul.

"Atska Ma bata pa ko, malayo pa sa plano ko ang magpakasal. Ang dami-dami ko pang gustong gawin sa buhay bago mag-asawa." Sagot ko.

Buti na lang talaga nandyan si kuya kung hindi mapapahamak na naman ako. Ano na naman ba kasing trip ng mga magulang ko? Hindi nga ako ikakasal doon sa anak ng kaibigan ni Papa tapos ikakasal naman ako sa mokong na to.

"Alam kong kokontra kayo kaya napag-usapan na namin ng Papa nyo ito." Sabi ni Mama.

What?! Napag-usapan na nila ni Papa? So plano talaga nila akong ipakasal dito sa mokong na to?!

Napatingin ako kay Enzo na tahimik lang na nakikinig.

Ayokong ikasal sa lalaking to. Isa syang pervert na bipolar, tapos babaero pa. Hayy!! Ayoko! Sasakit lang ang ulo ko sa kanya. Oo gwapo, hot, malaki ang katawan, matalino, sweet, na sabi ko na bang gwapo at hot sya? Pero ayoko parin.

"Hindi naman kayo ikakasal agad-agad, papatapusin muna namin kayo sa pag-aaral tapos after 1year doon na natin pag-usapan yung kasal. Sa ngayon engagement muna ang pag-usapan natin." Explain ni Papa.

"Pero Papa..." hindi na natuloy ni kuya Paul ang sasabihin nya ng magsalita ulit si Papa.

"Wala nang pero-pero Paul. Kung ikaw ang hihintayin ng mga kapatid mo bago magpakasal, sigurado tatanda ng dalaga ang mga yan. Pero kung gusto mo talagang ma-unang ikasal kay Emci, aba'y maghanap ka na ng babaeng papakasalan mo. May tatlong taon ka pa." Natatawang sabi ni Papa.

"Papa naman eh! Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Gusto kong gawin ang dream house ko, bumili ng sariling sasakyan, enjoyin ang trabaho ko at magtravel abroad." Naiinis na sabi ko.

"You can still build your dream house even if we're married." Napatingin naman kaming lahat ng biglang magsalita si Enzo. "At saka habang ginagawa mo yung buhay mo pwede muna tayong tumira sa bahay ko tapos lumipat na lang tayo kapag natapos mo na." Dagdag pa nya.

Tinignan ko naman sya ng masama. Ano bang pinagsasabi ng lalaking to? Ginagatungan pa si Papa.

"Pwede rin kitang pahiramin ng pera para agad mong mabili yung sasakyan na gusto mo, bayaran mo na lang kung gusto mo, pero kung hindi ayos lang, asawa naman kita eh. Hindi rin kita babawalan magtrabaho kahit mag-asawa na tayo. Much better nga yun para hindi ka mainip sa bahay at para makaipon tayo agad for our future babies." Sabi nya ulit.

Waahh!! Anong future babies naman ang sinasabi nito? Pervert talaga! Wala pa man yun na agad iniisip nya! Konting-konti na lang mababatukan ko na ang lalaking to kapag di pa sya tumigil.

"Sasamahan din kitang magtravel abroad kung gusto mo, treat ko sige, para makatipid ka. Mas masaya kayang magtravel ng may kasama." Natatawang sabi nya. "Kaya wag ka na mag-alala kung ikakasal man tayo. Di kita pipigilan sa mga pangarap mo. Tutulungan pa kita." Nakangiting sabi nya.

Tinitignan ko lang ng masama si Enzo. Walang hiyang to. Ano bang pinagsasabi nya?! Bat pumapayag syang ikasal kami?! Grr!

"Yun naman pala eh. So pag-usapan na natin ang engagement ng mga bata." Sabi ni Mama.

"Excuse lang po. May pag-uusapan lang kami ni Enzo." Sabi ko.

Tumayo ako tapos hinila si Enzo palabas ng VIP hall. Pabalibag kong binitawan ang braso nya.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon