chapter 16

573 28 16
                                    

Emci's POV:

"good morning sis. ang aga mong gumising ngayon ah." bati sakin ni mich, nginitian ko lang sya.

"sabay ka ng kumain samin." alok ni kim. lumapit na ko sa kanila at kumain na din.

"bat parang ang tamlay mo emci?" tanong ni mark sakin. "may sakit kaba?"

"ah wala. inaantok lang ako." sagot ko

"morning bro." bati ni mark kay enzo na pababa ng hagdan kaya napatingin kami. tango lang ang sinagot nya "sabay kana kumain samin." aya nya

tinignan muna ako ni enzo bago sumagot "sa school na lang ako kakain." sabi nya tapos dumeretso na sya sa labas. narinig namin ang pagandar at pagalis ng isang sasakyan.

"anong nangyari dun?" tanong ni kim

"dati ikaw unang binabati nun sis? ngayon tinignan ka lang at umalis na. nagaway ba kayo?" tanong ni mich

"hindi." sagot ko "mauna na ko may gagawin pa ko sa school" sabi ko at tumayo na

"teka sis sabay kana samin." tumayo na din sila at dumeretso na kami sa labas

pagdating namin sa school nagpasalamat na ako sa kanila tapos naglakad na patungong first class ko. maaga pa naman kaya nasa labas pa yung ibang students. nadaanan ko si enzo with another girl. naghahalikan sila, ay hindi pala, hinahalikan nung malanding babae si enzo tapos nakatingin lang sakin si enzo. talagang hindi sila nahihiya sa ginagawa nila. duh! PDA PA MORE! inirapan ko lang sya tapos dumeretso na sa room.

tulala na naman ako buong klase buti di ako sinisita mga prof namin. lunch time na kaya nagpunta na kami ni steff sa cafeteria kung nasan sina mich. nadatnan namin sila dun. kasama din pala nila si ken ngayon.

"hi barbie" bati nya sakin

"hello" sagot ko tapos umupo na kami

"bat ang tamlay mo?" tanong nya sakin tapos lumipat sa tabi ko "may sinat ka ba?" nilapat nya yung kamay nya sa noo tapos sa leeg ko

"girl di ba si enzo yun? bat kasama nya yung clown na babaeng yun??" turo ni kim sa likuran namin kaya napalingon kami. kasama nya nga yung clown at nakatingin sila samin at parang tukong nakakapit yung payaso sa kanya. agad kong tinanggal yung kamay ni ken sa leeg ko.

"wala na ba kayo?" tanong ni ken

"what?? agad agad? ang bilis naman" sabi ni mich

"anong nangyari?" tanong ni steff

"wala" tipid na sagot ko. hindi ko alam pero wala ako sa mood. kahit papano kasi umasa ako eh. tss sabi ko na nga ba dapat hindi ako umasa.

"sorry mukang dahil sakin kahapon naghiwalay kayo." hingi nya ng tawad sakin

"ano ka ba? pano kami maghihiwalay e hindi naman talaga kami haha." pilit na tawa ko. "nakatrip lang kahapon yun kaya sinabi nyang gf nya ko." sabi ko

"hindi kayo?" sabay sabay nilang tanong

"oo haha." tinignan ko si ken "sabi mo kahapon lilibre mo ko di ba? ngayon mo nalang ako ilibre tara." paglilihis ko ng usapan

"ah sige tara." sabi nya

"e pano kami?" tanong ni mich

"pwede ba kayo maiwan? haha tara na." sagot ni ken

lumingon muna ako sa side nina enzo at nakita kong nakatingin parin sya sakin kaya binawi ko agad yung tingin ko

nagpunta kami sa isang resto. nagkwentuhan lang kami habang kumakain. minsan natatanong nila yung about samin ni enzo ng hindi sadya. sinasagot ko naman yung mga yun na parang wala lang. pero hindi lahat. yung mga simpling tanong lang tapos iniiba ko agad ang usapan.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon