chapter 9

734 32 21
                                    

Third person's POV:

11pm na ng bumaba si emci dahil nagugutom sya. ayaw nyang bumaba kanina dahil baka tanungin pa sya nga mga kaibigan nya kung kumusta yung 'oh so called date nila'. pagbaba nya wala ng tao sa baba at nakapatay na yung ibang ilaw kaya nagderederetso syang pumunta sa kusina.

"bakit gising kapa?!" gulat na tanong nya ng makita si enzo sa kusina

"hinihintay ka."

"hinihintay ako? bakit?" tanong nya habang naghahalungkat sya ng pagkain sa ref

"di ka kasi kumain kanina. e sabi mo di ka nakakatulog kapag gutom ka. here pinagtabi kita ng pagkain" sabay abot nya sa dalaga

"sana nilagay mo nalang sa ref, iinit ko nalang para di kana naghintay." kinuha nya yung pagkain sa kanya

"galit ka pa ba sakin?" biglang tanong nya

"ha? hindi na." tipid na sagot nito

"e bat di ka sumabay kumain samin kanina ?" -enzo

"naiinis pa ko kanina sigurado magtatanong sina mich kaya di muna ako sumabay." -emci

"hinahanap ka nga kanina sakin. tinatanong nila kung may nangyari." -enzo

"anong sinabi mo?"

"sabi ko masama lang pakiramdam mo. pupuntahan ka sana nila kaso sabi ko you need to take some rest muna." -enzo

di na sumagot si emci at kumain nalang habang pinapanood sya ni enzo

"masarap ba?" tanong ni enzo

"oo. wala namang di masarap sa taong gutom." tuloy pa rin sa pagsubo si emci

"haha you look so cute. para ang tagal mong di kumakain."

"tss e sa gutom ako eh." inirapan sya nito "buti iniwan mong magisang natutulog si misha?" tanong nito ng maalala si misha

"sinundo na sya kaninang hapon."

"ahh" wala ng nagsalita sa kanila hanggang matapos kumain si emci "una kana umakyat. huhugasan ko lang to."

"hintayin na kita. sabi mo takot ka magisa sa madilim. kaya sabay na tayo umakyat" sabi ni enzo tapos nginitian nya ito

sa isip ni emci ay napakaganda ng ngiti ni enzo kaya kahit medyo naiinis pa ito sa kanya ay parang nawawala kapag nginingitian sya nito "kaw bahala."

pagkatapos nya hugasan yung pinagkainan nya ay sabay na silang umakyat.

"sorry ulit. good night" nakangiting sabi ni enzo ng nasa tapat na sila ng mga kwarto nila

"good night din." pumasok na siya sa kwarto.

nagstay nalang si emci sa pad hanggang magpasukan. inaaya sya ni enzo pero sabi nya baka daw may makita nanaman sila ni nicole kaya tumatanggi sya. naiintindihan ni enzo ang dalaga kaya di na din nya ito pinilit. di na din lumabas si enzo dahilan para makaroon sya ng maraming oras para makasama at makabonding ang mga babae at mga kaibigan nito kay mas naging close at palagay ang loob nila sa bawat isa lalo na kay emci.

first day school

"sis dalian mo na!" sigaw ni mich sa labas ng kwarto ni emci

"sige mauna na kayo sis. matatagalan pako." 6:40 nagising si emci at 7am ang pasok nila

"sure ka?"

"oo sis. baka malate din kayo."

"sige sis ingat ka." bumaba na si mich

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon