chapter 5

959 49 30
                                    

Emci's POV:

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na kami.

May lumapit saming isang trabahador dun. "Good morning sir Enzo. Buti po napadalaw kayo?" Tanong nya.

"Si mang Mando po andyan?" Tanong ni Enzo

"Ah si sir po? Saglit po tatawagin ko." Pumunta sya dun sa mga kumpulan ng trabahador na nagmimeryenda. "Sir andyan po si sir Enzo." Dinig namin na sabi nya.

"Nasan sya?" Tanong nung isa na mukang si mang Mando kasi sya yung tinawag.

"Ayon po sir." Turo samin tapos humarap sila sa dereksyon namin.

"Sir Enzo? Musta po? Buti napadalaw kayo?" Lumapit na samin si mang Mando.

"Ayos lang po mang Mando. Kayo po? Musta kayo dito?" -Enzo

"Ayos lang naman sir. Ah sino po yang magandang binibining kasama nyo?" Hihi maganda daw ako. Oha bolero si manong haha.

"Mang Mando talaga bolero haha. Baka akalain nya totoo haha." Bwisit talaga tong mokong nato. Kj.

"Girlfriend nyo sir?"

"Baku manong hindi ko po boyfriend tong bwisit na to. Nagpatulong lang sya pumunta dito. Emci nga po pla." Inabot ko yung kamay ko para makipagkamay

"Ahaha kala ko po magnobyo kayo. Bagay pa naman kayo hahaha." Inabot ni mang Mando yun kamay ko. "Mang Mando nalang tawag mo sakin iha." Nginitian nya ako.

"Manong naman my taste naman ako haha."

"Hoy anong sabi mo?! Ang kapal mo ha!" Hinampas ko sya sa braso.

"Aray! Masakit ha!" Sigaw nya.

"Nag-uumpisa ka na naman eh!"

"Hahaha asar-talo haha."

"Tss." Inirapan ko nalang sya.

"Hahaha nakakatuwa naman kayong tignang dalawa." Anong nakakatawa manong? Hhmpt! "Bakit po pala kayo napapunta dito?"

"Ah manong magtatanong po sana kami kung meron kayo nung mga isaw, dugo at paa ng manok?" Tanong ni Enzo.

"Meron po sir. Mamaya pa idedeliver sa mga palengke. San nyo po gagamitin sir?" -Manong

"Mag-iihaw po sana kami. Namiss ko na po kasi yun eh." Sabi ni enzo "pwede pong kumuha?"

"Ah sige po sir papabigay ko nalang po maghintay nalang po kayo dito." Sagot ni manong. "Berto panguha mo sina sir ng isaw, dugo at paa ng manok." Utos nya sa isang trabahador.

"sige po sir." Sagot nung trabahador tapos umalis na sya.

"Ah teka manong sasama ako." Sumunod si Enzo sakanya.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon