SLICE FROM FUTURE

3.5K 82 51
                                    

A/N: sa mga errors and capitalizations, ieedit ko po yan pagkatapos nalang po ng story ko. baka po kasi kapag inuna ko i-edit hindi na ako makapag-update. hope you understand :)

PROLOGUE:

..."Bro musta? Long time no see." Bati nya sakin nung nakita nya ko. "Bro ayos ka lang ba? Bat natutulala ka?"

"Ah yeah. Im fine." Sagot ko. This is my best buddy Frank Montana at ang kanyang girlfriend, Ella Sandoval na kasama nya kahit san, para na nga silang mag-asawa na eh.

"Miss yah bro! Kayo ng barkada."

"Ah.. Kami rin. Bakit di ka nagpasabing babalik kana galing paris? Sana nasalubong ka namin." Sana di nalang kayo bumalik.

"Biglaan lang kasi eh. Gusto kasi ni dad na dito na ko magpursue ng college. Tsaka para daw maturuan nya nako habang maaga kung pano mag manage ng business." Sagot nya

"Ah. kayo pa din pla. Tagal nyo na ha. Since 2nd year high school kayo na." Talagang sila na siguro para sa isa't-isa.

"Yeah. We're doing great. Dito na rin sya mag-aaral kasama ko."

What?!! Dito na sila mag-aaral? Teka si Emci yun ah. Perfect timing talaga to.

"Hi baby! I've been waiting for you." Sabay lapit sa kanya with matching kiss sa pisngi at pacute smile syempre para di sya agad magalit hehe "Sumakay ka nalang pls. Babawi ako sayo later. I'll explain everything." Bulong ko sa kanya.

"Baby saglit papakilala lang kita sa best friend ko." Akay ko sakanya palapit kina Frank.

"Bro this is my girl, Emci. Baby this is Frank, my buddy, and her girl, Ella. Gusto ko pa sanang makipagkumustahan kaso maglulunch pa kami ni Emci eh. maybe next time nalang bro. Di ba baby?" Sabay hila ko sa bewang nya at nginitian ko sya sabay tingin na nagsasabing um-oo ka.

"Ah oo. Gutom na kasi ako eh. Sorry ha. But nice meeting you." Nice Emci. Makuha ka sa tingin.

"Bro gutom na din kami ni Ella. Why not sabay-sabay na tayo kumain para makapag-usap pa tayo ng matagal?"

Patay! Mali pa palusot ko.

"Ah sige. Para naman makilala ko kayo." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Emci. Lokong babae to bakit pumayag? "Tara na baby. Lets have a double date." Pinagdiinan nya pa talaga yung baby at double date.

"Sure ka baby?" Tinignan ko sya ng masama.

"Oo naman. Lets go i'm hungry." Nginitian pa ko ng nakakaloko.

"Oh sige bro sa favorite resto ko nalang. Na miss ko na kasi yung seafood karekare nila eh. Una na kami." sabi ni Frank

"Sige bro susunod nalang kami." Sagot ko

Pagkalayo nila agad kong binalingan ang baliw na babaeng nasa tabi ko. "Sira kaba? Kala ko pa naman naiintindihan mo ko na gusto ko nang umalis. Bakit pumayag kapang kumain kasabay nila?!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Hoy Mr. Torres! Di ko sasakyan lahat ng kalokohan mo. Nabigla lang ako kanina kaya napapayag mo ko!" Inis din na sagot nya. "Ano yun ha? Bakit kailangan mo pang magpanggap sa best friend mo? At ako pa talaga dinamay mo sa kalokohan mo!"

"Tara na baka maghintay sila ng matagal." Aya ko.

"Hindi! Hindi na ko sasama sayo. bahala kang mag-isa mo!" Tapos tumalikod na sya.

"Hoy Ms. Mendoza! Mapayag-payag ka na kumain kasama nila tapos aalis ka. May topak ka ba talaga ha?!" Aba loko to iiwan pako sa ere.

"Hindi ako sasama sayo. Ni hindi ko nga alam bakit kelangan mong magpanggap eh."

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon