chapter 20

562 25 18
                                    

Emci's POV:

"baby kailan mo ba ako sasagutin? 1 week na akong nanliligaw sayo eh." sabi ni enzo na nakaupo sa tabi ko tapos tinutusok tusok yung braso ko gamit ang daliri nya

"ano ba enzo?! masakit ha!" pinalo ko yung kamay nya

"e kailan mo ba ako sasagutin?" tanong nya. mula noong sinabi nyang liligawan nya daw ako nagumpisa na syang mangulit sakin. para syang tanga. araw araw binibigyan nya ako ng kung ano-ano tapos sabay tanong kung sasagutin ko na daw sya. ano ako? nakukuha sa mga material things?!! grr!! isang linggo na din nya akong kinukulit at naiirita na ako. sino ba namang babae ang papayag na maging girlfriend nya kung gagamitin ka lang nya sa pagpapanggap nya? tsaka hindi naman panliligaw ang ginagawa nya, panunuhol at pangungulit.

"hoy tigil tigilan mo ko ha! humanap ka ng ibang masusuhulan mo!"

"o sige kung hindi mo ko sagutin tulungan mo nalang ako. bukas na dadating sina frank eh, please" nagpaawa pa sya at nagpacute

"A-YO-KO! tsupe!"

"sabi mo magkaibigan tayo pero bakit ayaw mo ko tulungan?"

"kasi..." hmm. bat nga ba ayaw ko sya tulungan? "basta. ayaw ko"

"ang daya mo naman eh!" para syang bata na nagdadabog

"honey?!" napalingon kami sa pintuan kung saan nanggaling yung boses

"mama?!" napatayo ako ng makita si mama tapos lumapit agad ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit, namiss ko si mama "i miss you ma, buti po napadalaw kayo?"

"im here too" nakarinig ako ng boses galing sa likod ni mama kaya napatingin ako

"ate?! i miss you!!" sabay yakap din sa kanya "tara sa loob." aya ko sa kanila. "hoy enzo lumayas ka muna dyan." bulong ko kay enzo na nakaupo lang

"ayoko nga. sakin tong sofa papaalisin mo ko?" mahinang sabi nya

"enzo naman may bisita ako. mahiya ka naman"

"ang luwang ng sofa. atsaka ayaw mo ba ipakilala sa family mo ang future boyfriend mo?" nakakalokong ngiting sabi nya. nagulat ako sa sinabi nya. kahit mahina ang boses nya siguradong dinig parin nila mama yun, siguradong aasarin ako ni ate nito >.<

"isa enzo, hindi ka aalis dyan?"

"hindi ako aalis hanggat hindi mo ko tinutulungan."

"asa ka"

bigla na lang syang tumayo at lumapit kay mama "hello po tita. im enzo, kasama po ni emci dito." pakilala nya kay mama

"makapag tita ka close kayo?" bara ko sa kanya

"honey wag ka naman ganyan sa kaibigan mo. pakilala mo muna kaya kami sa kanya" saway ni mama

"tss.. mama at ate ko." tinuro ko sina mama "ma si enzo po" sabi ko

"katherine, kath nalang" pakilala ni ate

"feel at home po. hindi po sinabi ni emci na dadating kayo sana nakapaghanda ako. maiwan ko muna po kayo gagawa ko lang po kayo ng miryenda." bago sya umalis lumapit muna sya sakin "kitams ang bait bait ko tapos ayaw mo ko tulungan" bulong nya tapos nagpunta na sa kusina. inirapan ko lang sya

"upo na tayo"

nagkwentuhan lang kami nina mama. sabi nya next vacation daw magbabakasyon kami sa states kasama sina papa at kuya, hihi excited na ako kasi miss na miss ko na sila. si ate naman kwento ng kwento doon sa boyfriend nya na si alex, sila na ata ng sweetest couple na nakita ko hihi. kinikilig nga ako sa lovestory nila eh. kakagraduate lang ni ate kaya naman ngayon busy sya dahil tinuturaan na sya nina papa at kuya sa pagmamanage ng company namin.

A Perfect SetupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon